Para sa Lakas ng mga Kabataan
“Magsilapit sa Akin”
Para sa Lakas ng mga Kabataan, Mayo 2025.


Sesyon sa Sabado ng Umaga

“Magsilapit sa Akin”

Mga Sipi

alt text

I-download ang PDF

May mga pagkakataon na pakiramdam natin ay malapit tayo sa Tagapagligtas na si Jesucristo. Subalit, kung minsan sa ating mga pagsubok sa buhay, nadarama nating medyo malayo tayo sa Kanya at nais nating matiyak na alam Niya ang nilalaman ng ating puso at mahal Niya tayo bilang mga indibiduwal. …

Mahal ni Jesucristo ang bawat isa sa atin. Inaalok Niya tayo ng oportunidad na iyan na mas lumapit sa Kanya. Tulad sa isang mapagmahal na kaibigan, ganyan din ang gagawin ninyo, sa pakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng panalangin sa Ama sa Langit sa pangalan ni Jesucristo, pakikinig para sa katangi-tanging patnubay mula sa Espiritu Santo, at pagkatapos ay masayang paglilingkod sa iba para sa Tagapagligtas. …

Tulad ng Kanyang mahal na mga disipulo, bawat anak ng Ama sa Langit na piniling magpabinyag ay nakikipagtipan na maging saksi ng Tagapagligtas at pangalagaan ang mga nangangailangan habambuhay. …

Kapag naging tapat kayo sa mga pangakong ito, makikita ninyo na tinutupad ng Panginoon ang Kanyang pangakong maging kaisa ninyo sa inyong paglilingkod, upang gumaan ang inyong mga pasanin. Makikilala ninyo ang Tagapagligtas, at darating ang panahon na kayo ay magiging katulad Niya at “ma[gi]ging ganap sa kanya.” Sa pagtulong sa iba para sa Tagapagligtas, makikita ninyo na mas napapalapit kayo sa Kanya. …

Habang binebendahan ninyo ang mga sugat ng mga nangangailangan, susuportahan kayo ng kapangyarihan ng Panginoon. Iuunat Niya sa inyo ang Kanyang mga bisig para matulungan at pagpalain ang mga anak ng ating Ama sa Langit.

Bawat lingkod ni Jesucristo sa tipan ay tatanggap ng Kanyang patnubay mula sa Espiritu habang pinagpapala at pinaglilingkuran nila ang iba para sa Kanya. Sa gayon ay madarama nila ang pagmamahal ng Tagapagligtas at magagalak na mas napapalapit sila sa Kanya.