Sesyon sa Linggo ng Umaga
Mga Panahon ng Pagpapanumbalik ng Lahat ng Bagay
Mga Sipi
Ang pormal na pag-organisa ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ay humantong sa sunud-sunod na mahimalang mga karanasan. …
Ang pagpapakita ng Ama at ng Anak kay Joseph Smith, ang pagsasalin at paglabas ng Aklat ni Mormon, at ang pagpapanumbalik ng awtoridad at mga susi ng priesthood ay kinailangan sa pag-organisa ng ipinanumbalik na Simbahan ng Panginoon 195 taon na ang nakararaan ngayon.
… Isang taon matapos iorganisa ang Simbahan, sinabi ng Panginoon kay Joseph Smith na ang mga susi ng kaharian ng Diyos ay muling “ipinagkatiwala sa tao sa mundo” at ang “ebanghelyo [ni Jesucristo] ay lalaganap hanggang sa mga dulo ng mundo, gaya ng batong tinibag mula sa bundok, hindi ng mga kamay ay lalaganap.”
Pinatototohanan ko: Tinutupad na ng Panginoon ang Kanyang pangako. …
… Bilang bahagi ng ipinropesiyang pagpapanumbalik ng lahat ng bagay sa mga huling araw, personal na iginawad ng mga sinaunang propeta at apostol ang awtoridad ng priesthood kay Joseph Smith at ipinagkatiwala sa kanya ang mga susi ng priesthood. …
Ang gawain ng Panginoon sa mga huling araw “ay gawain na bumighani sa mga tao ng Diyos sa bawat panahon; ito ay paksang binigyang-diin ng mga propeta, saserdote at hari nang may kakaibang galak; inasam nila nang may galak ang ating panahon; at sa alab ng makalangit at masayang pag-asam sila ay umawit at sumulat at nagpropesiya tungkol sa ating panahon.” …
Ang pinakamahalaga at maluwalhating “mabuting balita” na matatanggap ng sinumang tao saanmang lugar ay ang mensahe na ipinanumbalik na ng Panginoong Jesucristo ang Kanyang ebanghelyo at Simbahan sa mga huling araw.
Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ang Simbahan ni Cristo sa Bagong Tipan na ipinanumbalik.