Sesyon sa Sabado ng Hapon
Banal na Awtoridad, Maringal na mga Kabataang Lalaki
Mga Sipi
Isang Linggo ng umaga nitong Enero, habang nakaupo ako sa sacrament meeting, mahigit labindalawang kabataang lalaki ang sinang-ayunan para ma-advance sa Aaronic Priesthood. Nadama ko na nagbabago ang mundo natin.
Bigla kong natanto na sa iba’t ibang panig ng mundo, sa bawat time zone, sa mga sacrament meeting na tulad lamang niyon, libu-libong deacon, teacher, at priest … ang sinasang-ayunan para maorden sa habambuhay na paglilingkod sa priesthood para sa pagtitipon ng Israel. …
Ang mga ordinasyong ito ang simula ng habambuhay na paglilingkod ng mga kabataang lalaking ito kapag natagpuan nila ang kanilang sarili sa panahon at sitwasyon kung saan magiging napakahalaga ng kanilang presensya at mga panalangin at ng kapangyarihan ng priesthood ng Diyos na taglay nila. …
Ipinagkakatiwala ng Panginoon sa mga mayhawak ng Aaronic priesthood ngayon na gawin ang mga bagay na ginawa nila noong unang panahon: magturo at mangasiwa ng mga ordenansa—lahat upang maipaalala sa atin ang Kanyang Pagbabayad-sala.
Kapag ang mga deacon, teacher, at priest ay tumutulong sa pangangasiwa sa sakramento, natatanggap nila ang mga pagpapala nito tulad ng iba: sa pamamagitan ng pagtupad sa mga tipang ginawa nila habang tumatanggap ang bawat isa sa kanila ng tinapay at tubig. Ngunit sa pagtupad sa mga sagradong tungkuling ito, mas marami rin silang natututuhan tungkol sa kanilang mga ginagampanan at mga responsibilidad sa priesthood. …
Ang ganoon kaseryosong inaasahan ay nangangailangan ng seryosong paghahanda. …
Walang hanggan ang pasasalamat ko na ang mga maytaglay ng Aaronic Priesthood, sa pamamagitan ng mga kapangyarihan, ordenansa, at tungkulin nito, ay pinagpapala tayong lahat sa pamamagitan ng mga susi ng “paglilingkod ng mga anghel, at ng ebanghelyo ng pagsisisi, at ng pagbibinyag sa pamamagitan ng paglulubog para sa kapatawaran ng mga kasalanan” (Doktrina at mga Tipan 13:1).