Sesyon sa Linggo ng Hapon
Tiwala sa Harapan ng Diyos
Mga Sipi
Kapag gumagawa at tumutupad tayo ng mga tipan sa Diyos, maaari tayong magkaroon ng kumpiyansa na ito ay mula sa Espiritu. Sinabi ng Panginoon sa Propetang si Joseph Smith na ang ating pagtitiwala ay “titibay sa harapan ng Diyos.” …
Kapag binabanggit ko ang pagkakaroon ng tiwala sa harapan ng Diyos, ang tinutukoy ko ay ang pagkakaroon ng tiwala sa paglapit sa Diyos ngayon mismo! …
Paano tayo ngayon magkakaroon ng gayong tiwala? …
… Sa salita ng Panginoon, ang pag-ibig sa kapwa at kabanalan ang nagbubukas ng daan sa pagkakaroon ng tiwala sa harapan ng Diyos! …
Una, ang pag-ibig sa kapwa. …
Ang tunay na pag-ibig sa lahat ng tao ang tanda ng mga tagapamayapa! Kailangang mayroon tayong pag-ibig sa kapwa sa ating pagsasalita, kapwa sa publiko at pribado. …
Tayo nang sumamo sa ating Ama sa Langit na punuin ang ating puso ng dagdag na pag-ibig sa kapwa—lalo na sa mga taong mahirap mahalin—sapagkat ang pag-ibig sa kapwa-tao ay isang kaloob mula sa ating Ama sa Langit para sa tunay na mga tagasunod ni Jesucristo. …
Ngayon naman ay pag-usapan natin ang kabanalan. Sinasabihan tayo ng Panginoon na puspusin ng kabanalan ang ating mga iniisip nang walang humpay. … Nagagawa ng kabanalan na mas mabuti at mas masaya ang lahat ng bagay! … Palalayain kayo ng kabanalan mula sa nakababalisa, nakababagabag na mga kaisipan. …
… Ang malaking oportunidad na nasa ating harapan ay ang maging ang mga tao na kailangan ng Diyos. …
… Inaanyayahan ko kayong tahasang gumawa ng mga hakbang upang lumago ang inyong tiwala sa harapan ng Panginoon. At, sa paglapit natin sa ating Ama sa Langit nang may dagdag na tiwala, lalo tayong mapupuspos ng kagalakan, at ang inyong pananampalataya kay Jesucristo ay madaragdagan. Magsisimula tayong makadama ng espirituwal na kapangyarihan na higit kaysa sa ating mga dakilang inaasahan.