Sesyon sa Sabado ng Umaga
Tulad sa Isang Maliit na Bata
Mga Sipi
“Tinawag [ni Jesus] ang isang maliit na bata, …
“At sinabi, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Malibang kayo’y magsipanumbalik, at maging tulad sa maliliit na bata, sa anomang paraan ay hindi kayo magsisipasok sa kaharian ng langit.
“Sinumang magpakumbaba nang tulad sa batang ito ay siyang pinakadakila sa kaharian ng langit.” …
… Ano ang nagpaluha mismo kay Cristo sa pinakamatamis na tagpo sa buong Aklat ni Mormon? Ano ang itinuturo ni Jesus noon nang tumawag Siya ng apoy mula sa langit at ng mga anghel na poprotekta para palibutan ang mga batang iyon, at sinabi sa matatanda na “masdan ang [kanilang] mga musmos”?
Hindi natin alam kung ano ang nagbunsod sa lahat ng iyon, ngunit sa aking palagay ay may kinalaman ito sa kanilang kadalisayan at kawalang-muwang, sa kanilang likas na kababaang-loob, at sa maaaring idulot nito sa ating buhay kung pananatilihin natin ito. …
Ngunit talagang mahal Siya ng mga bata, at ang pagmamahal na iyon ay maaari nilang madala sa iba pa nilang mga relasyon sa palaruan ng buhay. Karaniwan, kahit sa kanilang kamusmusan, ang mga bata ay madaling magmahal, madaling magpatawad, nakatutuwa ang kanilang tawa na kaya nitong tunawin maging ang pinakamalamig at pinakamatigas na puso.
At marami pang iba. Kadalisayan? Tiwala? Tapang? Pagkatao? …
Mga kapatid at kaibigan ko, sa tuktok ng listahan ng pinakamagagandang larawang alam ko ay ang mga sanggol at bata at kabataan na kasingtapat at walang kasinghalaga na tulad nila na mga nabanggit natin ngayon. Pinatototohanan ko na mga larawan sila ng kaharian ng Diyos na yumayabong sa lupa sa lahat ng kalakasan at kagandahan nito.