Para sa Lakas ng mga Kabataan
Mga Banal na Tulong para sa Mortalidad
Para sa Lakas ng mga Kabataan, Mayo 2025.


Sesyon sa Linggo ng Umaga

Mga Banal na Tulong para sa Mortalidad

Mga Sipi

alt text

I-download ang PDF

Kung tutuusin, ang pinakamalakas na tulong ng Diyos sa buhay na ito ay ang Kanyang paglalaan ng Tagapagligtas, na si Jesucristo, na siyang magdurusa para magbayad-sala at magpatawad sa mga kasalanang pinagsisihan. …

Ang plano ng ating Ama sa Langit ay nagbibigay ng iba pang tulong na gagabay sa atin sa buong panahon ng ating mortal na paglalakbay. Ilalahad ko ang apat sa mga ito. …

Una, ibabahagi ko ang tungkol sa Liwanag o Espiritu ni Cristo. Sa kanyang dakilang turo sa aklat ni Moroni, binanggit ni Moroni ang sinabi ng kanyang ama na “ang Espiritu ni Cristo ay ipinagkakaloob sa bawat tao, upang malaman niya ang mabuti sa masama” (Moroni 7:16). …

Ang pangalawa sa mga dakilang tulong na ibinigay ng Panginoon para tulungan tayong pumili ng tama ay isang grupo ng banal na tagubilin sa mga banal na kasulatan bilang bahagi ng plano ng kaligtasan (plano ng kaligayahan). Ang mga tagubiling ito ay mga kautusan, ordenansa, at tipan.

Ang mga kautusan ang tumutukoy sa landas na minarkahan ng ating Ama sa Langit para sa atin upang umunlad tayo tungo sa buhay na walang-hanggan. …

Ang mga ordenansa at tipan ay bahagi ng batas na tumutukoy sa landas tungo sa buhay na walang-hanggan. …

Isa sa mga tulong na bigay ng Diyos para makagawa tayo ng tamang pagpili ay ang mga paghahayag ng Espiritu Santo. …

Isa sa pinakamahalagang tulong ng Diyos sa Kanyang matatapat na anak ang kaloob na Espiritu Santo. …

Sa napakaraming makapangyarihang tulong na gagabay sa atin sa ating mortal na paglalakbay, nakalulungkot na napakarami ang nananatiling hindi handa para sa kanilang itinakdang pakikipagkita sa ating Tagapagligtas at Manunubos na si Jesucristo. …

Ang pagpapakumbaba at pagtitiwala sa Panginoon ang mga lunas sa gayong mga paglihis.