Mga Tanong at mga Sagot
“Paano ako magkakaroon ng mas malakas na patotoo tungkol kay Joseph Smith at sa Pagpapanumbalik?”
“Ang isang bagay na nagawa ko para mapalakas ang aking patotoo tungkol sa Pagpapanumbalik ay basahin ang salaysay tungkol sa unang pangitain tuwing gabi bago matulog. Kapag nagbabasa ako tungkol sa pagkaligtas kay Joseph at sa katayuan niya sa harap ng Diyos, pakiramdam ko ay mas malapit ako sa liwanag ng Diyos, at iyon ang tumutulong sa akin na malaman na nariyan Siya.”
Eve T., 16, Chorley, UK
“Nang matanto ko na wala akong patotoo tungkol kay Joseph Smith, sinimulan kong basahin ang Mga Banal. Natanto ko kung gaano kalaki ang kapangyarihan at himala ng karanasan ni Joseph noon. Nadama ko rin na kasama ko ang Espiritu nang magdasal ako tungkol sa Aklat ni Mormon. Sinimulan kong tulungan ang mga missionary, at ngayon ay hindi ko mapigilang magpatotoo sa mga tao tungkol kay Joseph Smith at sa Pagpapanumbalik.”
Abish N., 18, Negros Oriental, Philippines
“Sinabi sa atin ng propeta na pag-aralan ang buhay ni Cristo para magkaroon tayo ng patotoo tungkol sa Kanya at sa Kanyang Pagbabayad-sala. Gayon din kay Joseph Smith. Kapag pinag-aralan ko ang kanyang buhay, mas lalakas ang aking patotoo tungkol sa Pagpapanumbalik at kay Joseph bilang unang propeta ng ating dispensasyon. Mas mauunawaan ko rin kung bakit kinailangang ipanumbalik ang Simbahan ni Jesucristo.”
Asher W., 17, Louisiana, USA
“Gawin ang ginawa ni Joseph at magtanong sa Diyos! Maging matiyaga; darating ang sagot.”
Anna W., 17, Colorado, USA
“Pagdarasal ang pinakasimpleng paraan para magkaroon ng patotoo tungkol kay Joseph Smith at sa Pagpapanumbalik. Nasagot ng Panginoon ang panalanging ito para sa aking sarili at para sa marami pang iba—gagawin din Niya iyon para sa iyo. Pag-aralan din ang makapangyarihang mga patotoo ng mga saksi sa Aklat ni Mormon.”
Andrew N., 18, Washington, USA