2025
Pulseras ng Tema ng mga Kabataan para sa 2025 Tutorial at mga Paraan sa Paggawa
Enero 2025


Digital Lamang

Pulseras ng Tema ng mga Kabataan para sa 2025 Tutorial at mga Paraan sa Paggawa

dalagita

I-download ang PDF

Sa video ng Tema ng mga Kabataan para sa 2025, isang dalagita ang may hand-made na pulseras na may araw sa ibabaw nito para magpaalala sa kanya na umasa kay Cristo. Narito ang mga paraan sa paggawa ng pinasimpleng bersiyon ng pulseras.

Ang huling step sa paggawa ng pulseras ay ang pagdaragdag ng pinakamahalagang bahagi—isang araw—upang magpaalala sa iyo na umasa kay Cristo. Anong malikhaing paraan ang maaari mong gawin para idagdag ang araw sa iyong pulseras? (Isipin ang papel, sinulid, maliliit na bato o beads, o anumang bagay!)

Ang pulseras na ito ay maaaring gawin sa isang lingguhang aktibidad ng mga kabataan. Maaaring magpraktis ang isang mas nakatatandang kabataan sa paggawa ng pulseras nang maaga upang maipakita niya kung paano ito gawin at matulungan ang iba.

Video Tutorial

6:59

Mga materyal:

  • Tatlong kulay ng sinulid, string, o sinulid na panggantsilyo

  • Seam ripper (para sa pagtastas)

Mga Pattern Definition:

Kaliwang buhol: I-loop ang working thread mula kaliwa pakanan sa ibabaw ng isa pang piraso ng string, para makagawa ng hugis “4.” Gamit ang working thread, pumunta sa ilalim ng iba pang sinulid at isuot sa butas sa gitna ng 4. Hilahin nang mahigpit.

Kanang buhol: I-loop ang working thread mula kanan pakaliwa sa ibabaw ng isa pang piraso ng sinulid, para makagawa ng backwards “4.” Gamit ang working thread, pumunta sa ilalim ng iba pang sinulid at isuot sa butas sa gitna ng backwards 4. Hilahin nang mahigpit.

Mga Paraan sa Paggawa:

Setup:

  1. Para sa bawat tao, gumupit ng tatlong kulay ng sinulid na may habang 50 in. (127 cm), o mga dalawang haba ng braso.

  2. Hawakan ang tatlong kulay ng sinulid nang magkakasama, at pagkatapos ay itiklop ang mga ito sa kalahati.

  3. Ibuhol ang ibabaw ng fold o ng tiklop. Dapat ngayon ay mayroon ka nang anim na piraso ng sinulid na nakalaylay.

  4. Ilinya ang iyong sinulid para iayos ang mga ito sa Color 1, Color 2, Color 3, Color 3, Color 2, Color 1.

Row 1:

  1. Magsimula sa dalawang piraso ng sinulid sa kaliwa. Gamit ang Color 1 (sa kaliwa), gumawa ng kaliwang buhol (tingnan ang depinisyon sa itaas) sa ibabaw ng Color 2.

  2. Gamit pa rin ang Color 1, gumawa ng kanang buhol (tingnan ang depinisyon) sa ibabaw ng Color 2.

  3. Lumipat sa dalawang piraso ng sinulid sa gitna. Gamit ang Color 3 sa kaliwang bahagi, gumawa ng kaliwang buhol sa ibabaw ng isa pang Color 3.

  4. Gamit pa rin ang parehong Color 3, gumawa ng isa pang kaliwang buhol sa ibabaw ng isa pang Color 3.

  5. Lumipat sa dalawang piraso ng sinulid sa kanang dulo. Gamit ang Color 1 sa kanang dulo, gumawa ng kanang buhol sa ibabaw ng Color 2.

  6. Gamit pa rin ang Color 1, gumawa ng kaliwang buhol sa ibabaw ng Color 2.

Row 2:

  1. Ang piraso ng sinulid sa bawat gilid (Color 1) ay hindi gagamitin sa row na ito. Magsimula sa pagpokus sa Color 2 at Color 3 sa kaliwang bahagi. Gamit ang Color 2 (sa kaliwa), gumawa ng kaliwang buhol sa ibabaw ng Color 3.

  2. Gamit pa rin ang Color 2, gumawa ng kanang buhol sa ibabaw ng Color 3.

  3. Lumipat sa Color 3 at Color 2 sa kanang bahagi. Gamit ang Color 2 (sa kanan), gumawa ng kanang buhol sa ibabaw ng Color 3.

  4. Gamit pa rin ang Color 2, gumawa ng kaliwang buhol sa ibabaw ng Color 3.

Ulitin:

  1. Ulitin ang row 1 at 2 hanggang sa ang iyong pulseras ay kasing haba ng gusto mo.

Narito ang pinaikling bersiyon ng pattern para sa pag-ulit:

  • Row 1. Mga kaliwang sinulid: mula sa Color 1 sa kaliwa hanggang sa Kulay 2 sa kanan: kaliwang buhol, kanang buhol. Mga gitnang sinulid: mula sa Color 3 sa kaliwa hanggang sa color 3 sa kanan: kaliwang buhol, kaliwang buhol. Mga kanang sinulid: mula sa Color 1 sa kanan hanggang sa Color 2 sa kaliwa: kanang buhol, kaliwang buhol.

  • Row 2. Huwag gamitin ang Color 1 (mga piraso ng sinulid sa gilid). Mga kaliwang sinulid: mula sa Color 2 sa kaliwa hanggang sa Color 3 sa kanan: kaliwang buhol, kanang buhol. Mga kanang sinulid: mula sa Color 2 sa kanan hanggang sa Color 3 sa kaliwa: kanang buhol, kaliwang buhol.

Pagtapos:

  1. Ibuhol sa dulo para tapusin. Mag-iwan ng sapat na sinulid na pantali sa iyong pulso o wrist.

Magdagdag ng Araw:

  1. Ang pinakamahalagang bahagi ng pulseras ay isang araw, upang magpaalala sa iyo na umasa kay Jesucristo. Maaari kang magdagdag ng araw sa maraming iba’t ibang paraan, gamit ang sinulid, papel, maliliit na bato o beads, o iba pang mga materyal.

Para sa Advanced na Paggawa ng Pulseras

Kung mahusay ka na sa paggawa ng pulseras na ito, maaari mo itong gawin na mas katulad ng pulseras sa video sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mas marami pang kulay. Dapat odd number ang mga colored thread (bago itiklop) para maayos na magawa. Ang pulseras sa video ay gumamit ng 7 kulay, na may 14 na piraso ng sinulid.