Para sa Lakas ng mga Kabataan
Kumonekta
Enero 2025


Kumonekta

Ivan B.

17, Zagreb, Croatia

binatilyo

Larawang kuha ni Ashlee Larsen

Ako lang ang miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw sa paaralan ko. Minsan sa isang birthday party, nagsimulang mag-inuman ang mga kaibigan ko. Hindi ako komportable kaya umuwi ako. Nang itanong nila kung bakit ako umalis nang maaga, sinabi ko na hindi ako umiinom at hindi ako komportable. Hindi nila nagustuhan ang sagot na iyon at inakala nila na kakaiba iyon. Pero sa paglipas ng panahon, medyo tanggap na iyon ng mga kaibigan ko.

Sa isa pang pagkakataon, hiniling sa akin ng teacher ko na magbahagi ng isang PowerPoint presentation tungkol sa Simbahan. Marami sa mga kaklase ko ang nagtanong, at nadama ko na parang nagtuturo si Jesucristo sa pamamagitan ko. Kapag nagbahagi ka ng patotoo, hindi mo kailangang katakutan ang iniisip ng iba. Kung magtitiwala ka sa Panginoon, tutulungan ka Niyang malaman kung ano ang sasabihin.

Gusto kong magmisyon upang mailapit ko ang ibang mga tao kay Cristo. Naniniwala ako na inako ng Tagapagligtas sa Kanyang sarili ang mga kasalanan ng mundo. Maaari nating tipunin ang Israel at anyayahan ang lahat na lumapit sa Kanya.