Ang “Imposibleng” Papel
Maaari kong butasan ang isang karaniwang papel nang sapat ang laki para makalusot dito. Ayaw mong maniwala? Imposible ba sa a tingin mo? Pangako, walang daya ito. Magagamit mo ang object lesson na ito para magturo sa klase, korum, o pamilya mo tungkol sa pagtitiwala sa Diyos kapag mayroon kang mga tanong—kahit ang “imposible.”
-
Itanong sa grupo mo kung naniniwala sila na maaari mong butasan ang isang papel nang sapat ang laki para makalusot ang isang tao. Malamang na may ilan na hindi maniniwala sa iyo.
-
Basahin ang Joseph Smith—Kasaysayan 1:23–25. Ipaliwanag na maraming taong hindi naniwala na posible na nakakita ng pangitain si Joseph Smith. Pero alam niya na iyon ay totoo.
-
Oras na para gawin ang butas!
-
Tupiin ang papel sa gitna nang pa-horizontal.
-
Simulan ang paggupit mo sa tupi, gumawa ng gupit na pa-vertical sa bawat dulo ng papel, pero tumigil bago ka umabot sa gilid.
-
Habang umiikot nang pabalik-balik mula sa gilid, ituloy ang paggupit ng mga vertical strip sa papel (nang hindi isinasagad ang gupit hanggang dulo!).
-
Habang nilalaktawan ang dalawang strip sa gilid, gupitin ang kahabaan ng tupi ng papel.
-
Buksan ito, at hayan na—isang butas na sapat ang laki para makalusot!
-
-
Talakayin kung paanong hindi dapat isipin na hindi totoo ang isang bagay dahil lang sa nakalilito o tila imposible ito. Nakita talaga ni Joseph Smith ang Ama sa Langit at si Jesucristo.
Maaaring may mga pagkakataon na hinahamon ng iba ang iyong mga paniniwala, o nahaharap ka sa nakalilitong mga tanong. Kapag nangyari ito, isipin ang “imposibleng” papel. Magpasiyang magtiwala sa Diyos at bumaling sa Kanya at sa iba pang magagandang mapagkukunan ng mga sagot.
“Ang pananampalataya ay pag-asa sa mga bagay na hindi nakikita ngunit totoo. … Pagdudahan muna ang inyong pagdududa bago ninyo pagdudahan ang inyong pananampalataya.”