Mga Tinig ng mga Kabataan
Ang Aking Pamomroblema sa Tingin Ko sa Sarili
Paulina M., edad 18, Podlasie, Poland
Mahilig magbiyolin, magpiyano, at magbasa ng mga nobela.
Noong nasa middle school ako namroblema ako nang husto sa tingin ko sa aking sarili at sa pagsisikap na makibagay. Sinubukan kong mag-ehersisyo para gumanda nang kaunti ang tingin ko sa sarili, pero talagang hindi ako naging masaya sa nakikita ko sa salamin.
Pagkatapos ay kinuha ng ate ko ang kanyang patriarchal blessing, at naisip kong kumuha ng akin. Ako ay 12 anyos noon, at noong una naisip ko na baka napakabata ko pa. Pero nagdasal ako at kinausap ko ang bishop ko, at gumanda ang pakiramdam ko.
Ipinaalala sa akin ng patriarchal blessing ko na batid ng Ama sa Langit ang nangyayari sa akin at na alam Niya ang mga problemang pinagdaraanan ko. Personal niyang alam ang pangalan ko. Nariyan Siya para tulungan ako kung handa akong humingi ng tulong sa Kanya.
Kung minsan maaaring tingnan mo ang iyong sarili at isipin na hindi sapat ang ganda mo batay sa mga pamantayan ng mundo. Pero nalaman ko sa sarili ko na mas mahalaga ang tingin ng Diyos sa akin kaysa sa tingin ng iba pa. At kung alam ko na ang tingin sa akin ng Diyos ay bilang Kanyang anak, iyon lang ang kailangan ko.