Mas Magkakatulad Kaysa Inaakala Mo
Uy, Andy. Kumusta ang pag-aaral mo?
Mabuti naman po. Pinag-usapan po namin ang iba’t ibang relihiyon. Marami po akong nalaman tungkol sa iba pang mga paniniwala—mas marami pala tayong pagkakatulad kaysa inakala ko!
Wow! Ano ang nalaman mo?
Nalaman ko po na Muslim si Ayla, at limang beses siyang nagdarasal sa isang araw.
Si Stephen ay Baptist, at pinupuri niya ang Diyos kapag nagsisimba siya.
Si Anastasia ay Katoliko. Nagsisisi siya sa pamamagitan ng pagdarasal at pangungumpisal.
At si Levi ay Judio. Sinusunod ng pamilya niya ang mga batas ng Diyos para magabayan ang buhay nila.
Wow, ang dami mong nalaman! May ibinahagi ka ba sa klase mo?
Opo! Sinabi ko sa kanila na kilala at mahal ako ni Jesucristo, at na sinisikap kong tularan Siya.