“Ang Panginoon ay Naglaan ng Gabi na Walang Kadiliman sa Lupain ng Amerika,” Plano sa Pag aaral ng Pasko (2024)
“Ang Panginoon ay Naglaan ng Gabi na Walang Kadiliman sa Lupain ng Amerika,” Plano sa Pag-aaral sa Pasko
Disyembre 23
Ang Panginoon ay Naglaan ng Gabi na Walang Kadiliman sa Lupain ng Amerika
“Itaas mo ang iyong ulo at magalak; sapagkat dinggin, dumating na ang panahon, … at kinabukasan, paparito ako sa daigdig” (3 Nephi 1:13).
“Ang kuwento sa banal na kasulatan tungkol kay Jesucristo,” itinuro ni Pangulong Russell M. Nelson, “ay talagang isang kuwento sa dalawang-hemisphere. Habang sina Maria at Jose sa Silangan ay naghahanda para sa pagsilang ng banal na bata sa Betlehem, si Nephi sa Kanluran ay tinuturuan ng premortal na Mesiyas. Sinabi ni Nephi sa Panginoon, ‘Magalak; … kinabukasan paparito ako sa daigdig upang ipakita sa sanlibutan na tutuparin ko ang lahat ng aking iniutos na sabihin sa bibig ng aking mga banal na propeta’ [3 Nephi 1:13].”
Habang pinag-iisipan ninyo ang pagsilang ni Cristo, isipin ang pagsasanib ng mga palatandaan sa langit at ng mga saksi sa lupa na nagpapatotoo na si Jesus ay isinilang upang magligtas.
Mga Banal na Kasulatan at mga Tanong
-
Inilalarawan sa mga talatang ito ang nangyari sa lupain ng Amerika noong bisperas ng pagsilang ni Jesucristo sa Betlehem. Habang binabasa mo ang mga ito, isipin na kasama mo ang mga mananampalataya sa sagradong gabing iyon. Ano kaya ang maaaring nadama o naisip o nagawa mo?
-
Ano ang idinaragdag ng pangyayaring ito sa Aklat ni Mormon sa iyong pang-unawa tungkol kay Jesucristo at sa Kanyang misyon?
“Nanalangin si Nephi at Lumitaw ang mga Palatandaan ng Pagsilang ni Cristo”
Itala ang iyong mga impresyon.
Awitin
“Star Bright,” Hymns—For Home and Church, blg. 1204
Aktibidad para sa mga Bata
Mga Ideya sa Paglilingkod
-
Maglakad-lakad kasama ang isang kaibigan.
-
Magboluntaryo sa inyong lokal na aklatan.
-
Pulutin ang basura sa inyong komunidad.