“Ang mga Pantas na Lalaki ay Sumamba kay Jesus at Nagbigay ng mga Regalo,” Plano sa Pag aaral sa Pasko (2024)
“Ang mga Pantas na Lalaki ay Sumamba kay Jesus at Nagbigay ng mga Regalo,” Plano sa Pag-aaral sa Pasko
Miyerkules, Disyembre 25
Ang mga Pantas na Lalaki ay Sumamba kay Jesus at Nagbigay ng mga Regalo
“Nasaan siya na isinilang na Hari ng mga Judio? Sapagkat nakita namin ang kanyang bituin sa silangan, at naparito kami upang siya’y sambahin” (Mateo 2:2).
Wala tayong gaanong alam tungkol sa mga Pantas na Lalaki na binanggit sa Mateo 2, pero alam natin na inaabangan nila ang pagdating ng Mesiyas. Handa silang maglakbay sa malayo upang sambahin Siya. At ang kanilang mga regalo ay nagbigay inspirasyon sa isang mahabang tradisyon ng pagbibigay sa panahon ng Pasko. “Hindi tayo maaaring mag-alinlangan,” sabi ni Pangulong Dallin H. Oaks, “na sila ay pinamunuan ng Panginoon para sa Kanyang sagradong layunin. … Ang mga pantas na lalaking ito ay nagmula sa ibang lupain at kultura, kaya ang pagsaksi sa kanila ay paalala na ang Mesiyas ay isinilang para sa lahat ng tao.”
Ang kanilang simpleng kuwento ay nagpapaalala sa atin na pagnilayan ang ating pag asa sa pagdating ni Cristo, ang ating pagsisikap sa pagsamba sa Kanya, at ang mga kaloob na maibibigay natin sa Kanya.
Mga Banal na Kasulatan at mga Tanong
-
Mateo 2:1–12
Paano maaaring angkop sa iyo ang paglalakbay ng mga Pantas na Lalaki?
Paano mo hinahanap, natatagpuan, o sinasamba si Jesucristo?
“Hinanap ng mga Pantas na Lalaki si Jesus”
Itala ang iyong mga impresyon.
Awitin
“With Wondering Awe,” Hymns, blg. 210
Aktibidad para sa mga Bata
Natagpuan ng mga Pantas na Lalaki si Jesus sa Betlehem at sinamba Siya. Mahahanap mo ba ang lahat ng nakatagong mga bagay na ito?
Mga Ideya sa Paglilingkod
-
Ibigay ang iyong paboritong libro sa isang mahal sa buhay.
-
Purihin ang iyong kapwa o kapitbahay.
-
Magbigay sa isang kawanggawa.