“Ibinalita ng mga Anghel sa mga Pastol ang Pagsilang ni Jesus,” Plano sa Pag aaral sa Pasko (2024)
“Ibinalita ng mga Anghel sa mga Pastol ang Pagsilang ni Jesus,” Plano sa Pag-aaral sa Pasko
Disyembre 22
Ibinalita ng mga Anghel sa mga Pastol ang Pagsilang ni Jesus
“Sapagka’t ipinanganak sa inyo ngayon sa bayan ni David ang isang Tagapagligtas, na siya ang Cristo ang Panginoon” (Lucas 2:11).
Ang pahayag ng anghel sa mga pastol ay isang banal na pahayag na ang pagsilang ng Tagapagligtas ay isang dahilan para magdiwang! Pinapalitan nito ang takot ng kagalakan, kaluwalhatian, kapayapaan, at mabuting kalooban. Sinabi ng anghel na ang mabuting balitang ito ay “para sa buong bayan” (Lucas 2:10), kaya “ipinaalam [ito ng mga pastol sa lahat ng dako]” (talata 17).
Napansin ni Elder Neil L. Andersen: “Kaylaking kapanatagan at katiyakan marahil ang nadama nina Jose at Maria nang makita nila na may layunin sa lahat ng paghihirap na naranasan nila. Ipinahayag ng mga anghel ang Kanyang pagdating at ang Kanyang dakilang misyon.” Habang sumasamba ang mga mapagpakumbabang pastol sa sabsaban, idinagdag nila ang kanilang patotoo sa patotoo nina Maria at Jose na ang sanggol na ito ay Anak ng Diyos at may plano ng Diyos.
Mga Banal na Kasulatan at mga Tanong
-
Lucas 2:8–20
Anong mga salita at parirala ang kapansin-pansin kapag pinag-aaralan mo ang mensahe ng mga anghel sa mga pastol?
Anong magandang balita ang ibinigay sa iyo ng Diyos na gusto mong ibahagi?
“Nalaman ng mga Pastol ang Tungkol sa Pagsilang ni Cristo”
Itala ang iyong mga impresyon.
Awitin
“Sa Kapatagan, sa May Judea,” Mga Himno, blg. 130.
Aktibidad para sa mga Bata
Mga Ideya sa Paglilingkod
-
Tulungan ang isang mahal sa buhay na linisin ang kanilang tahanan.
-
Mag-iwan ng regalo sa pintuan ng kapitbahay.
-
Gumawa ng isang playlist ng mga awitin sa Pasko at ibahagi ito sa isang kaibigan.