Jesucristo
Tungkol sa Plano sa Pag-aaral sa Pasko


“Tungkol sa Plano sa Pag-aaral sa Pasko,” Plano sa Pag-aaral sa Pasko (2024)

“Tungkol sa Plano sa Pag-aaral sa Pasko,” Plano sa Pag-aaral sa Pasko (2024)

Tungkol sa Plano sa Pag-aaral sa Pasko

“Sapagkat ipinanganak sa inyo ngayon sa [lungsod] ni David ang isang Tagapagligtas, na siya ang Cristo, ang Panginoon” (Lucas 2:11).

Tagpo ng pagsilang

Kasama sa planong ito sa pag-aaral ang mga pang-araw-araw na debosyonal na makatutulong sa iyo na maranasan ang pagmamahal, kagalakan, at kapayapaan na hatid ng pagsilang kay Jesus sa mundo. Kabilang dito ang mga banal na kasulatan at mga tanong, awitin, aktibidad para sa mga bata, at mga ideya sa paglilingkod.

Ang plano na ito ay maaaring makadagdag sa iyong regular na pag aaral sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin o sa iba pang mga sanggunian tungkol sa Pasko na maaari mong gamitin. Maaari mong gamitin ang planong ito sa pag-aaral para malaman ang tungkol sa kabanalan ni Jesucristo, magbahagi o magtala ng iyong mga nasasaisip, makipag-ugnayan sa iba, tumulong sa iyong komunidad, at magsimula ng mga bagong tradisyon sa Pasko.

Para matuklasan ang iba pang mga ideya upang matulungan ka, ang iyong pamilya, at mga kaibigan na magkaroon ng masayang Kapaskuhan, bisitahin ang Christmas.ChurchofJesusChrist.org.