Jesucristo
Ipinropesiya ng mga Propeta ang Pagsilang ni Jesus


“Ipinropesiya ng mga Propeta ang Pagsilang ni Jesus,” Plano sa Pag-aaral sa Pasko (2024)

“Ipinropesiya ng mga Propeta ang Pagsilang ni Jesus,” Plano sa Pag-aaral sa Pasko

Disyembre 19

Ipinropesiya ng mga Propeta ang Pagsilang ni Jesus

“Sapagkat sa atin ay ipinanganak ang isang bata, sa atin ay ibinigay ang isang anak na lalaki” (Isaias 9:6).

Nakita ni Isaias ang pangitain tungkol kay Maria na kasama ang sanggol na si Jesus

Pinatototohanan ng mga propeta ang plano ng Diyos ukol sa kaligtasan para makatulong sila sa pagpapalakas ng pananampalataya ng ibang tao. Sinabi ni Pangulong Russell M. Nelson, “[Ang pagsilang ni Jesucristo ay] nakinita ng mga propeta mula pa noong panahon nina Adan [at Eva].” Pag aralan ang mga patotoo ng mga propeta ng Diyos na nakakita at nagpropesiya sa pagsilang ni Jesucristo.

Mga Banal na Kasulatan at mga Tanong

  • Isaias 9:6–7

    Ipinropesiya ni Isaias ang tungkol sa pagsilang ni Jesucristo sa panahon ng matinding kaguluhan at kawalang-katiyakan para sa mga mamamayan ng Juda. Paano kaya nagbigay ng pag-asa sa mga tao ang mga salita ni Isaias?

  • 1 Nephi 11:13–23

    Ipinakita ng isang anghel kay Nephi, isa sa mga unang propeta sa Aklat ni Mormon, ang pagsilang ng Tagapagligtas. Ano kaya ang nais ng anghel na maunawaan ni Nephi tungkol kay Jesucristo?

  • Mosias 3:5–10

    Si Haring Benjamin ay isa pang propeta sa Aklat ni Mormon na nalaman mula sa isang anghel ang tungkol sa pagdating ng Tagapagligtas. Pansinin ang mga pangalan, titulo, at salitang gamit ng anghel sa pagtuturo tungkol kay Cristo at sa Kanyang misyon. Aling mga salita ang tila lalong mahalaga sa iyo at bakit?

  • Helaman 14:1–13

    Si Samuel na Lamanita, na nabuhay bago pa man isilang si Cristo, ay nagkuwento ng mga dakilang tanda sa kalangitan na lilitaw sa araw ng pagsilang ng Anak ng Diyos. Hanapin ang mga ito sa mga talatang ito at pagnilayan kung ano ang maaaring isinisimbolo ng mga palatandaang ito. Ano ang itinuturo sa iyo ng mga ito tungkol kay Jesucristo?

“Si Samuel na Lamanita ay Nagpropesiya Tungkol kay Jesucristo”

18:28

Itala ang iyong mga impresyon.

Awitin

Samuel Tells of the Baby Jesus,” Children’s Songbook, 36

Aktibidad para sa mga Bata

Pahinang kukulayan tungkol sa mga propeta ng Aklat ni Mormon

Mga Ideya sa Paglilingkod

  • Anyayahan ang isang kapitbahay na magsimba.

  • Itanong sa isang katrabaho kung paano mo mapapagaan ang kanilang pasanin.

  • Mag-caroling kasama ang isang grupo.