Jesucristo
Si Jesucristo ay Isinilang at Dinala sa Templo


“Si Jesucristo ay Isinilang at Dinala sa Templo,” Plano sa Pag-aaral sa Pasko (2024)

“Si Jesucristo ay Isinilang at Dinala sa Templo,” Plano sa Pag-aaral sa Pasko

Disyembre 24

Si Jesucristo ay Isinilang at Dinala sa Templo

“Kaniyang ipinanganak ang panganay niyang anak na lalake; at ito’y binalot niya ng mga lampin, at inihiga sa isang pasabsaban” (tingnan sa Lucas 2:7).

Tagpo ng nativity

Si Jesucristo ay isinilang upang maging Tagapagligtas ng mundo. Nagpunta sina Maria at Jose sa Bethlehem. Malayo sa masikip na bahay-tuluyan, isinilang ni Maria si Jesus sa isang kuwadra. Nagpakita ang mga anghel sa mga pastol, na pagkatapos ay nagpunta upang makita ang sanggol na si Jesus. Matapos umalis ang mga pastol upang sabihin sa lahat ang kanilang nakita at narinig, “Iningatan ni Maria ang lahat ng mga salitang ito, at pinagbulay-bulay sa kanyang puso” (Lucas 2:19).

“Ang Batang Cristo”

17:57

Matagal nang hinihintay ni Simeon ang Mesiyas, at sa wakas ay nakatanggap siya ng personal na pahiwatig na dumating na ang araw. Kasunod ng pahiwatig na iyon sa templo, pinagpala si Simeon na magkaroon ng sarilinang enkuwentro sa Mesiyas na matagal na niyang hinahanap.

Binabati ni Simeon ang batang Cristo

Ginugol ni Ana ang halos lahat ng oras niya sa templo. Isang araw, nagkaroon ng kakaiba at personal na karanasan si Ana sa Tagapagligtas.

Mga Banal na Kasulatan at mga Tanong

  • Lucas 2:1–38

    Ano ang nadama o natutuhan ninyo habang binabasa ninyo ang kuwento ng Pasko?

    Ano kaya ang ibinahagi ng mga indibiduwal na nakakita sa sanggol na si Jesus (tulad ng mga pastol, Simeon, at Ana) sa iba tungkol sa kanilang mga personal na karanasan? Ano ang nahihikayat kang sabihin sa mga tao tungkol sa Kanya?

Itala ang iyong mga impresyon.

Awitin

What Child Is This?,” Hymns—For Home and Church, blg. 1203

Aktibidad para sa mga Bata

Ginupit-gupit na larawan ng nativity o Belen

Gamitin ang ginupit-gupit na larawan ng Belen para gumawa ng sarili mong Belen. Maaari ka ring gumamit ng isang inihanda na iskrip ng dula para ikuwento ang tungkol sa Belen o gamitin ang iyong imahinasyon para lumikha ng sarili mong iskrip.

Mga Ideya sa Paglilingkod

  • Ipagdasal ang isang tao at banggitin ang kanyang pangalan.

  • Tawagin ang isang taong nami-miss mo.

  • Yakapin ang isang kaibigan.