“Isinilang ni Elisabet si Juan, at si Zacarias ay Nagpatotoo,” Plano sa Pag aaral sa Pasko (2024)
“Isinilang ni Elisabet si Juan, at si Zacarias ay Nagpatotoo,” Plano sa Pag-aaral sa Pasko
Disyembre 21
Isinilang ni Elisabet si Juan, at si Zacarias ay Nagpatotoo
“At siya’y lalakad sa unahan niya sa espiritu at kapangyarihan … upang ihanda ang isang bayang nakalaan sa Panginoon” (Lucas 1:17).
Si Elisabet at ang kanyang asawang si Zacarias ay “kapwa matuwid sa harapan ng Diyos, at nabubuhay na walang kapintasan ayon sa lahat ng mga utos at alituntunin ng Panginoon” (Lucas 1:6). Subalit, sa kabila ng kanilang katapatan, hindi sila nagkaroon ng mga anak. Paano mo maipapakita ang pananampalataya sa mga pangako ng Diyos kahit hindi mo nararanasan ang mga pagpapalang inaasahan mo?
Mga Banal na Kasulatan at mga Tanong
-
Lukas 1:5–25, 67–80
Ikumpara ang sinabi ni Zacarias bago siya hindi naging pipi at matapos siyang makapagsalitang muli. Ano ang natutuhan ni Zacarias? Ano ang matututuhan mo sa karanasan ni Zacarias?
-
Lucas 1:39–66
Matapos malaman ni Maria na siya ang magiging ina ng Anak ng Diyos, dinalaw niya ang kanyang pinsan na si Elisabet, na nakararanas din ng mahimalang pagbubuntis. Paano sinuportahan nina Maria at Elizabeth ang isa’t isa? Isipin kung paano ka, ang iyong mga kaibigan, o ang inyong pamilya, sumusuporta sa isa’t isa.
“Magkasamang Nagalak sina Maria at Elizabeth”
Itala ang iyong mga impresyon.
Awitin
“O Magsaya,” Mga Himno, blg. 121.
Aktibidad para sa mga Bata
Nang hinihintay nina Elisabet at Maria ang pagsilang nina Juan Bautista at Jesus, nagtulungan sila. Tumayo nang pabilog. Maghagis ng bola o nilamukot na papel sa ibang tao na nasa bilog. Kapag nasalo ng tao ang bola, isisigaw nila ang isang kalidad ng mabuting kaibigan (tulad ng mabait, masaya, o maalalahanin).
Mga Ideya sa Paglilingkod
-
Sabihin sa isang mahal sa buhay na mahalaga sila sa iyo.
-
Bisitahin ang isang matandang kapitbahay.
-
Anyayahan ang iba sa isang pagdiriwang ng Pasko.