Jesucristo
Nagpakita ang Isang Anghel kay Maria at kay Jose


“Nagpakita ang Isang Anghel kay Maria at kay Jose,” Plano sa Pag-aaral sa Pasko (2024)

“Isang Anghel ang Nagpakita kay Maria at kay Jose,” Plano sa Pag-aaral sa Pasko

Disyembre 20

Nagpakita ang Isang Anghel kay Maria at kay Jose

“Narito ako na alipin ng Panginoon; mangyari sa akin ang ayon sa iyong salita” (Lucas 1:38).

nagpakita ang anghel kay Maria

Si Maria ay mapagpakumbaba at may malaking pananampalataya sa pagtanggap sa kanyang papel sa plano ng kaligtasan ng Diyos bilang ina ng Anak ng Diyos. Sinabi ni Pangulong Jeffrey R. Holland, “[Ang kanyang] tapang at di-maikakailangan pananampalataya ay kapansin-pansing tulad ng anumang nakatala sa banal na kasulatan.” Gayundin, si Jose ay isang lalaking may integridad at pagpapakumbaba at hinirang ng Diyos para suportahan si Maria at palakihin ang Tagapagligtas ng mundo na kasama niya.

Mga Banal na Kasulatan at mga Tanong

  • Lucas 1:26–38

    Ano ang nakintal sa iyong isipan tungkol sa tugon ni Maria sa anghel? Ano ang nakikita mong katibayan ng kanyang tapang at pananampalataya?

    “Isang Anghel ang Paunang Nagpahayag na Isisilang ni Maria si Cristo”

4:19
  • Mateo 1:18–25

    Habang binabasa mo ang tungkol sa karanasan ni Jose, isipin kung bakit maaaring pinili niyang makipaghiwalay nang lihim kay Maria sa halip na ipaalam sa publiko (“hiwalayan ito nang lihim” [Mateo 1:19]). Ano ang sinasabi nito sa iyo tungkol sa pag-uugali ni Jose? Ano pa ang natututuhan mo tungkol sa kanya mula sa kanyang tugon sa mensahe ng anghel?

isang anghel ang nagpakita kay Jose

Itala ang iyong mga impresyon.

Awitin

When Joseph Went to Bethlehem,” Children’s Songbook, 38

Aktibidad para sa mga Bata

The angel Gabriel appearing to Mary - ch.2-1

Sinabi ng anghel na si Gabriel kina Maria at Jose na isisilang ni Maria si Jesucristo, at ang anghel ay naghatid sa kanila ng kapanatagan. Maaari tayong maging mga anghel para sa ibang tao sa pamamagitan ng pagtulong sa kanila na madama ang pagmamahal ng Diyos! Gupitin ang mga piraso ng papel. Sa bawat piraso ng papel ay sumulat ng mensahe ng pagmamahal, at ibahagi ito sa isang kaibigan o kapamilya.

Mga Ideya sa Paglilingkod

  • Mag-text sa isang taong pinasasalamatan mo.

  • Maging mabait sa iyong sarili. Pangalagaan ang sarili.

  • Tulungan ang isang tao na magsaliksik ng kanilang family history.

Mga Tala

  1. Jeffrey R. Holland, “The Dreams of Bethlehem” (First Presidency Christmas devotional, Dis. 6, 2020), Gospel Library.