1204
O Tala
1. Ang langit ay mayro’ng k’wento:
Pag-ibig ng D’yos sa tao.
May talang masisilayan
Kapag si Cristo’y ’sinilang.
[Chorus]
O tala, ang ’yong liwanag
Ang tatanglaw sa gabing ito.
O tala, ika’y mag-alab
Sa aking puso ngayong Pasko.
2. Sa langit, masdan ang sinag
Ng talang magliliwanag.
Si Cristo’y dadalaw sa ’tin
Sa ’pinangakong lupain.
[Chorus]
O tala, ang ’yong liwanag
Ang tatanglaw sa gabing ito.
O tala, ika’y mag-alab
Sa aking puso ngayong Pasko.
3. At dahil mahal N’ya tayo,
’Sinugo ng D’yos si Cristo;
Handog ay kapayapaan
At buhay na walang hanggan.
[Chorus]
O tala, ang ’yong liwanag
Ang tatanglaw sa gabing ito.
O tala, ika’y mag-alab
Sa aking puso ngayong Pasko.
Ang awit na ito ay isinulat mula sa pananaw ng mga tao sa Aklat ni Mormon na naghihintay ng ipinropesiyang mga palatandaan ng pagsilang ng Tagapagligtas (tingnan sa Helaman 14:1–7).
Titik: Lorin F. Wheelwright, 1959; salin sa Tagalog, 2027
Himig: Lorin F. Wheelwright, 1959
© 1959, 1999 ng Pioneer Music Press (isang sangay ng Jackman Music); salin sa Tagalog © 2025 by Intellectual Reserve, Inc. All rights reserved. Ang awiting ito ay maaaring kopyahin para sa insidental at di-pangkalakal na gamit sa simbahan o tahanan.