2020
Paggawang Positibong Lugar sa Social Media
Disyembre 2020


Mga Young Adult

Paggawang Positibong Lugar sa Social Media

Larawan
person holding a smartphone sending text messages

Limang taon na ang nakararaan, nagpasiya kaming mag-asawa na magsimula ng isang YouTube channel, kung saan masaya naming sinimulang ibahagi ang paraan ng aming pamumuhay bilang mga miyembro ng Simbahan ni Jesucristo. Ang ideya namin ay pag-usapan ang aming mga paniniwala sa pamamagitan ng aming pamumuhay.

Napagpapala na kaming makatanggap ng nagbibigay-inspirasyong mga mensahe mula sa ilan sa aming followers na nagkukuwento sa amin tungkol sa pagsisimba sa unang pagkakataon o maging tungkol sa pagpapabinyag! Napuspos kami ng labis na kagalakan sa mga mensaheng ito.

Lubos kaming nagpapasalamat sa mga nagpapayamang karanasang handog sa amin ng pagpapalaganap ng mensahe ng ipinanumbalik na ebanghelyo sa pamamagitan lamang ng pagbabahagi ng aming buhay. Ngunit samantalang ang social media ay makalilikha ng mga di-kapani-paniwalang karanasan, matutulungan tayong magkaroon ng mga makabuluhang ugnayan, at tutulutan tayong ibahagi ang ating patotoo tungkol sa ebanghelyo, mabibigyan din tayo nito ng mga karanasang nagpapahina sa ating espirituwalidad, aakayin tayong hatulan ang iba sa masasamang paraan, at hindi natin makikita kung sino talaga tayo.

Tatalakayin sa bahaging para sa mga young adult sa buwang ito ang mga paksang iyon at marami pang iba. Madaling ikumpara ang ating sarili o ang ating buhay sa nakikita natin sa social media, ngunit maaari tayong matutong gumamit ng social media upang lumikha ng positibong kapaligiran kung saan malalabanan natin ang paghatol sa ating sarili o sa ibang tao, magkakaroon tayo ng tiwala sa ating likas na kabanalan, at higit sa lahat, maipaparating natin sa iba, sa pamamagitan ng ating halimbawa, ang kaligayahang dulot ng ebanghelyo ni Jesucristo.

Bárbara Rodríguez