2020
Mga Handog ng Pagmamahal kay Jesus
Disyembre 2020


Mula sa Unang Panguluhan

Mga Handog ng Pagmamahal kay Jesus

Hango sa “Gifts of Love,” Brigham Young University devotional, Dis. 1980.

Larawan
Gifts of Love for Jesus

Ibinigay sa atin ng Ama sa Langit ang Kanyang Anak na si Jesucristo. At ibinigay ni Jesus ang Kanyang buhay para sa atin para muli natin Siyang makapiling. Ito ang pinakadakila sa lahat ng handog. Malayang ibinigay sa atin ni Jesus ang handog na ito.

Baka sakaling nais mong regaluhan si Jesus. Anong mga handog ang maibibigay mo sa Kanya?

Maaari kang manalangin.

Maaari kang magbasa ng isang talata sa banal na kasulatan.

Maaari mong sundin ang mga kautusan.

At may isang bagay pa ring maibibigay mo sa Kanya. Sa buong paligid mo, may mga taong mahal Niya na matutulungan mo.

Dalangin ko na malaya tayong magbigay, tulad ng ginawa ni Jesus.

Snowflake ng Paglilingkod

Maaari nating regaluhan si Jesus sa pamamagitan ng paglilingkod sa iba. Gumawa ng isang snowflake ng paglilingkod para ipaalala sa iyo kung sino ang mapaglilingkuran mo.

  1. Gupitin ang bilog.

  2. Itupi sa gitna ang bilog sa isa sa mga linya. Pagkatapos ay itupi itong muli sa gitna, at pagkatapos ay ituping muli.

  3. Gupitin sa tulduk-tuldok na mga linya sa krokis ng tao. Huwag putulin ang mga gilid ng mga paa at kamay.

  4. Iladlad ang papel at isulat sa bawat krokis ng tao ang pangalan ng isang taong mapaglilingkuran mo.