2020
Hello mula sa France!
Disyembre 2020


Hello mula sa France!

Larawan
Hello from France!

Salut! Kami sina Margo at Paolo!

Naglalakbay kami sa buong mundo upang matuto tungkol sa mga anak ng Diyos. Samahan mo kaming bumisita sa France!

Halos 40,000 ang mga miyembro ng Simbahan sa France! Natapos ang templo sa Paris, France, noong Mayo 2017.

Ito ang Aklat ni Mormon sa wikang French.

Ang Louvre, sa Paris, ang pinakamalaking art museum sa mundo! Mayroon itong mahigit 380,000 piraso ng sining.

Sa katimugang France, naghahanda ang mga tao para sa Pasko sa pamamagitan ng paggawa ng “crèche,” o belen. Ang tagpo ay puno ng mga taong naghihintay na maisilang si Jesucristo. Pagsapit ng Bisperas ng Pasko, inilalagay nila ang estatwa ng sanggol na si Jesus sa crèche!

Gustung-gustong laruin ng mga batang French ang larong tinatawag na “escargot.” Tatalon ka nang paikot hanggang sa makaabot ka sa dulo!

Ang France ay bantog sa mga tinapay at keso nito. Maraming tao ang bumibili ng mga bagong lutong baguette mula sa mga boulangerie (mga panaderya) araw-araw.

Kilalanin ang ilan sa aming mga kaibigan mula sa France!

Gustung-gusto ko ang lahat tungkol sa Primary—ang mga kanta, guro, aktibidad, at ang mga bagay na natututuhan ko tungkol kay Jesucristo. Gusto ko lalo kapag binabati namin ng maligayang kaarawan ang mga bata. Inaasam ko ang Primary linggu-linggo.

Julien B., edad 10, Haute-Garonne, France

Ang paborito kong kuwento sa Aklat ni Mormon ay tungkol sa pagpapatawad at pagmamahal ni Nephi sa kanyang mga kapatid. Salamat sa halimbawa ni Nephi, ang bahaging ito ng mga banal na kasulatan ay talagang tumutulong sa akin na mas madaling humingi ng tawad sa aking mga kapatid kapag nagtatalo kami at magpatawad din.

Evelyne N., edad 6, Île-de-France, France

Taga-France ka ba? Sulatan kami! Nais naming makarinig mula sa iyo.

Salamat sa pagsama sa amin sa paglilibot sa France!