2020
Maging Ilaw ng Sanglibutan
Disyembre 2020


Masasayang Bagay

Maging Ilaw ng Sanglibutan

Larawan
Light the World

Si Jesus ay nagbigay ng liwanag at pagmamahal sa buong mundo. Narito ang ilang aktibidad para tulungan kayong makaramdam at ibahagi ang Kanyang liwanag. Kulayan ang mga lugar na may bilang matapos ninyong gawin ang bawat aktibidad.

  1. Basahin ang Lucas 1:26–31 at kantahin ang “Awit ni Maria” (Aklat ng mga Awit Pambata, 28).

  2. Gumawa ng Christmas card para sa isang tao at kantahin ang “Doon sa Sabsaban” (Mga Himno, blg. 123).

  3. Basahin ang Lucas 2:4–7 at kantahin ang “Nang si Jose ay Magtungo sa Bethlehem” (Aklat ng mga Awit Pambata, 22).

  4. Gumawa ng mabuting bagay para sa isang tao at kantahin ang “Isinugo, Kanyang Anak” (Aklat ng mga Awit Pambata, 20).

  5. Basahin ang Lucas 2:8–18 at kantahin ang “Dinggin! Awit ng Anghel” (Mga Himno, blg. 128).

  6. Basahin ang Mateo 2:1–11 at kantahin ang isang awit o himno sa Pasko.

  7. Pag-usapan kung ano ang nararamdaman ninyo tungkol sa pagsilang ni Jesucristo at kantahin ang “Kay Tahimik ng Paligid” (Mga Himno, blg. 125).