2020
Paano ako maghahangad ng espirituwal na mga kaloob?
Disyembre 2020


Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin: Aklat ni Mormon

Paano ako maghahangad ng espirituwal na mga kaloob?

Moroni 10

(Disyembre 14–20)

Larawan
How can I seek spiritual gifts?

Ang mga espirituwal na kaloob ay ibinibigay ng Diyos sa pamamagitan ng Espiritu Santo para sa ating kapakinabangan (tingnan sa Moroni 10:8). Bawat isa sa atin ay nabiyayaan ng espirituwal na mga kaloob mula sa Diyos, at maraming kaloob tayong matatanggap.

Ang ilang espirituwal na kaloob ay tinukoy sa mga banal na kasulatan (tingnan sa Moroni 10:9–16; Doktrina at mga Tipan 46:13–25); marami ang hindi. Paano mo matutukoy at mapapaunlad ang espirituwal na mga kaloob na bigay ng Diyos sa iyo? Paano ka magkakaroon ng iba pang mga kaloob? Narito ang ilang ideya para matulungan ka:

Magtanong

Manalangin at magtanong sa Diyos kung anong espirituwal na mga kaloob ang naibigay Niya sa iyo o alin ang dapat mong sikaping matamo. Tutulungan ka Niya. Maaari ring ihayag ng iyong patriarchal blessing ang iyong espirituwal na mga kaloob. Kung hindi mo pa natatanggap ang iyong patriarchal blessing, isiping kausapin ang inyong bishop o branch president tungkol sa pagtanggap nito.

Mag-aral

Ang espirituwal na mga kaloob ay nangangailangan ng pagsisikap upang matanggap ang mga ito. Habang nagsisikap para sa isang partikular na kaloob, isiping alamin ang iba pa tungkol doon mula sa mga banal na kasulatan, sa iyong patriarchal blessing, o sa mga mensahe sa pangkalahatang kumperensya. Maaari mo ring itanong sa iba ang kanilang mga karanasan.

Kumilos

Nakakatulong ang pag-aaral tungkol sa espirituwal na mga kaloob, ngunit kailangan mong gamitin ang kaalamang iyan. Kapag nananampalataya ka kay Jesucristo, nagsisisi, at tumutupad sa iyong mga tipan, karapat-dapat kang tumanggap ng espirituwal na mga kaloob. Gayundin, humanap ng mga sitwasyon kung saan magagamit mo ang iyong espirituwal na mga kaloob. Tandaan na ang mga kaloob na ito ay hindi lamang makakatulong sa iyo, kundi maaari rin itong maging kapaki-pakinabang sa iba (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 46:26). Paano mo magagamit ang iyong espirituwal na mga kaloob para tulungan ang iba?