2020
Pagdarasal para kay Max
Disyembre 2020


Pagdarasal para kay Max

Larawan
Praying for Max

Noong anim na taong gulang ako, gustong makahanap ang isang matandang mag-asawa sa aming ward ng magandang pamilya para sa aso nilang si Max. Alam nila na mamahalin ng aming pamilya si Max. Kaya inampon namin siya!

Makalipas ang ilang linggo, dumating sa bahay ang ilan sa mga kaibigan namin para mamalagi nang ilang araw. Napuno ang bahay namin ng masasayang batang nagtatakbuhan sa buong paligid.

Pero sanay si Max sa isang maganda at tahimik na pamilya. Ninerbiyos siya nang husto nang mapuno ng maiingay na bata ang bahay. Isang araw habang naglalaro at nagtatawanan kami, bigla naming napagtanto na nawawala si Max!

Hinanap namin sa buong paligid si Max. Mangiyak-ngiyak na ako nang ilibot kami ng nanay ko sa buong komunidad. Nagpunta pa kami sa mga unang nagmay-ari kay Max. Pero hindi namin siya nakita.

Pagdating namin sa bahay, may nagsabing, “Ipagdasal natin si Max!” Lumuhod kami nang pabilog at umusal ng simpleng panalangin. Humiling kami sa Ama sa Langit ng mga ideya kung saan hahanapin si Max.

Pagkasabi namin ng “amen,” may kumahol mula sa aparador! Si Max!

Kilala ng Ama sa Langit ang bawat isa sa atin at mahal tayo. Maaaring hindi palaging dumarating kaagad ang mga sagot sa ating mga panalangin. At maaaring hindi palaging sinasagot ng Ama sa Langit ang ating mga panalangin sa mismong paraang gusto natin. Pero ganyan lumalago ang ating pananampalataya at pagtitiyaga.

Kung may mga problema kayo o nais ninyong magsalita, palagi kayong pakikinggan ng Ama sa Langit!