2012
May hangganan ba ang pagsisisi? Kung paulit-ulit akong hihingi ng kapatawaran para sa iisang bagay, mararating ko ba ang hangganan nito?
Marso 2012


May hangganan baang pagsisisi? Kung paulit-ulit akong hihingi ng kapatawaran para sa iisang bagay, mararating ko ba ang hangganan nito?

May dalawang bagay na dapat tandaan dito: (1) ang awa ng Diyos ay talagang walang hanggan, at (2) ang ibig sabihin ng tunay na pagsisisi ay pagtalikod sa iyong mga kasalanan.

Sa isang banda, dahil walang hanggan ang Pagbabayad-sala ni Jesucristo, maaaring magsisi ang lahat, kahit ang mga tao na maraming ulit nang nagawa ang isang pagkakamali. Tulad ng sabi ng propetang si Alma, “Masdan, [ang Panginoong Diyos] ay nagpadala ng paanyaya sa lahat ng tao, sapagkat ang mga bisig ng awa ay nakaunat sa kanila, at kanyang sinabi: Magsisi at akin kayong tatanggapin” (Alma 5:33).

Sa kabilang banda, itinuro ni Propetang Joseph Smith na, “Ang pagsisisi ay isang bagay na hindi maaaring balewalain sa araw-araw. Ang araw-araw na paglabag at pagsisisi ay hindi nakasisiya sa paningin ng Diyos” (Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan: Joseph Smith [2007], 87).

Kung gayon ay ano ang susi sa pagsisisi? Gaya ng inihayag ng Panginoon kay Joseph Smith, “Sa pamamagitan nito inyong malalaman kung ang isang tao ay nagsisi ng kanyang mga kasalanan—masdan, kanyang aaminin ang mga yaon at tatalikdan ang mga yaon” (D at T 58:43). At gaya ng itinuro ni Alma, “Ang sinumang magsisisi ay makasusumpong ng awa; at siya na nakasumpong ng awa at makapagtitiis hanggang katapusan siya rin ay maliligtas” (Alma 32:13; idinagdag ang pagbibigay-diin).

Sa madaling salita, kailangan mong ipagtapat at talikuran ang iyong mga kasalanan at sikaping maging tapat hanggang sa huling sandali ng iyong buhay. Kung nahihirapan kang daigin ang isang kasalanan, huwag kang susuko sa pag-aakalang may hangganan ang taos-pusong pagsisisi. Humingi ng tulong sa iyong mga magulang at sa iyong bishop o branch president. Ang kanilang pagmamahal, suporta, at payo ay makakatulong sa iyo habang sinisikap mong alisin ang kasalanan sa iyong buhay at lalong lumapit sa Ama sa Langit at kay Jesucristo.