2012
Ang Bahaging para sa Atin
Marso 2012


Ang Bahaging para sa Atin

Kinunan ko ang retratong ito ng London England Temple nang magpunta roon ang aming pamilya kasama ang kapatid kong lalaki nang tanggapin niya ang kanyang endowment bago siya nagmisyon. Tuwang-tuwa akong makita ang pagpunta ng kapatid ko sa templo.

Habang nasa loob sila ng templo, naglakad-lakad ako sa paligid ng tahimik na bakuran, na nakatuon ang isipan sa Ama sa Langit. Hindi kailangang nasa loob ka ng templo para madamang malapit ka sa Panginoon. Inisip-isip ko kung gaano kaganda ang bahay ng Panginoon at kung gaano ang pananabik kong matanggap balang-araw ang mga pagpapala ng templo.

Ang makita ang kaligayahan sa mukha ng kapatid ko nang lumabas siya ng templo ay nagpalakas sa aking patoto. Nadama ko ang pagmamahal niya sa Tagapagligtas at nasabi kong walang katulad ang mga pagpapala ng templo.

Ipinaaalala sa akin ng napakagandang retratong ito ang espesyal na araw na ito at tinutulungan ako nitong magtuon sa paggawa ng tama. Ikinuwadro ko ang retrato at isinabit ito sa kuwarto ko para lagi kong maalala ang kahalagahan ng pamumuhay nang karapat-dapat para makapasok ako balang-araw sa bahay ng Panginoon at matanggap ang sarili kong endowment.

In-upload ko ang retrato sa aking Facebook page, at marami akong natanggap na magandang feedback mula sa iba. Gustung-gusto ng lahat ng makakita ang retratong ito, at naging daan pa ito upang masabi sa mga tao ang tungkol sa ebanghelyo.

Emily M., England