2012
Bakit Ako nasa Misyon
Marso 2012


Bakit Ako nasa Misyon

Elder Perez, Philippines Baguio Mission

Kakaiba ang gawaing misyonero! Ang isa sa mga dahilan kaya ako nagpasiyang magmisyon ay dahil sa isang misyonerong nadestino sa aming branch. Minsan ay tinanong ko siya, “Elder, bakit ka nagmisyon at iniwan mo ang iyong trabaho at pamilya?”

Ang sagot niya, “Brother, may dalawang dahilan kung bakit ako nagmisyon. Una, mahal ko ang Diyos. Pangalawa, mahal ko ang mga taong hindi pa nakarinig sa ebanghelyo ni Jesucristo.” (Tingnan sa Mosias 28:3.)

Dahil sa misyonerong iyon, narito ako ngayon sa misyon.

Paglalarawan ni Welden C. Andersen