2012
Komentaryo
Marso 2012


Komentaryo

Naghahatid Ito ng Matatamis na Salita

Inihahatid ng Liahona ang mga salita ng mga propeta sa mga miyembro ng Simbahan na nasa iba’t ibang panig ng mundo. Kapag binabasa ko ang Liahona, nadarama ko ang Espiritu at nakatatanggap ako ng patnubay. Tumutulong ito sa akin na malaman ang mga bagay na dapat kong gawin. Nagpapasalamat ako sa magasin—binabago nito ang pamumuhay ko sa pamamagitan ng matatamis na salitang inihahatid nito sa akin.

Mariana da Graça Augusto, Mozambique

Mga Mensaheng Nagpapalakas at Nagpapasigla

Gustong-gusto kong basahin ang magasing Liahona—lumalakas at sumisigla ang aking patotoo kapag pinagninilayan ko ang mga mensahe ng mga buhay na propeta. Pinatototohanan sa akin ng Espiritu na ang mga mensahe nila ay mga paghahayag at kalooban ng ating Ama sa Langit. Alam ko na tumawag siya ng mga propeta na gagabay sa atin sa panahong ito.

James Russell Cruz, Philippines

Tumulong sa Pagsagip

Naantig ako sa payo ni Pangulong Thomas S. Monson sa lahat ng mga Banal na tumulong sa pagsagip sa mga miyembrong hindi gaanong aktibo. Nadama ko ang impluwensya ng Espiritu Santo dahil sa mensahe ng propeta.

Guillermo Vasquez Ocampo