2012
Madama ang Espiritu Santo
Marso 2012


Madama ang Espiritu Santo

“Sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo, malalaman ninyo ang katotohanan ng lahat ng bagay” (Moroni 10:5).

  1. Benson, nasaan ka? Oras na para matulog.

  2. Ayaw ko pa pong matulog.

    Bakit ayaw mo?

    Kasi po may multo sa kuwarto ko.

  3. Walang multo sa kuwarto mo.

    Sigurado po kayo?

    Pangako.

  4. Itay, ano po ang Espiritu Santo?

    Magandang tanong iyan.

  5. Ang Espiritu Santo ay miyembro ng Panguluhang Diyos. Ang trabaho Niya ay tulungan tayong madama ang nais ng Ama sa Langit na malaman at gawin natin.

    Nakakatakot po ba Siya?

    Hindi, hindi nakakatakot ang Espiritu Santo. Hindi natin nakikita ang Espiritu Santo, pero nadarama nating malapit Siya. Tinutulungan Niya tayong maging maligaya.

  6. Sige na, pumikit ka na. Oras na para matulog. Mahal kita.

    Mahal ko rin po kayo. At parang nadarama ko po ang Espiritu Santo.

Mga paglalarawan ni Scott Peck