Ano ang Nakatutulong sa Iyo Kapag Hindi Maganda ang Tingin Mo sa Iyong Sarili?
Payo mula sa mga Kabataan: 4 na Bagay na Dapat Malaman, 4 na Bagay na Dapat Gawin
Dapat Malaman:
Ikaw ay Anak ng Diyos
“Pag-alaala sa aking layunin, sa aking walang-hanggang identidad, at kung bakit ako narito para umunlad, hindi para maging perpekto.”
Lily S., edad 18, California, USA
“Pag-alaala na ako ay minamahal na anak ng Diyos at may gawain Siyang ipinagagawa sa akin.”
Emmett C., edad 17, Utah, USA
“Lagi kong inaalala ang tema ng Young Women: Ako ay ‘may banal na katangian at walang hanggang tadhana.’”
Jaredy H., edad 16, Nuevo León, Mexico
Ikaw ay Nilalang sa Larawan ng Diyos
“Ako ay nilalang sa larawan ng Diyos. Lahat ng tao ay may pagkakatulad pero may maganda ring pagkakaiba-iba.”
Daxton B., edad 15, Utah, USA
“Ipinapaalala ko sa aking sarili na ako ay nilalang sa larawan ng Diyos at ang mga opinyon ng mga tao ay hindi mahalaga.”
Shilo V., edad 16, Florida, USA
“Tumingin ka sa salamin at sabihing, ‘Ako’y anak ng Diyos.’ Ako ay nilalang sa Kanyang larawan.”
Logan P., edad 14, Indiana, USA
Ikaw ay Minamahal
“Nalalaman na mahal ako ng Diyos, at na ang aking katawan ay isang kaloob!”
McKayla B., edad 17, Arizona, USA
“Ipinagdarasal ko sa Diyos na tulungan akong madama ang Kanyang pagmamahal sa akin kapag kulang ako sa pagmamahal sa aking sarili.”
Brynne B., edad 18, Utah, USA
“Kapag sa pakiramdam ko ay walang nagmamahal o nagmamalasakit sa akin, alam kong nagmamalasakit sa akin si Cristo at mahal Niya ako.”
Lucy M., edad 17, Arizona, USA
Ang Iyong Katawan ay Kamangha-mangha at Natatangi
“Ang isang painting na iisa lang ang kulay, kahit gaano pa kaganda ang kulay, ay isang canvas lang na may kulay pero walang nakapinta. Ang isa pang tingin ko rito ay kapag ang isang koro ay binubuo lamang ng mga alto, nakakabagot ito.”
Elsa P., edad 17, Idaho, USA
“Nagpapasalamat ako na binigyan ako ng isang malusog at nakakakilos na katawan na nagbibigay sa akin ng kakayahang umunlad at magkaroon ng mga karanasan.”
Aleksia C., edad 23, Tirana, Albania
Dapat Gawin:
Umawit/Makinig ng musika
“Pagkanta ng ‘Ako ay Anak ng Diyos’ o ng iba pang mga awitin na nagpapaalala sa akin ng kahalagahan ko sa walang-hanggan.”
Anneliese C., edad 16, Oregon, USA
“Ang musika ng kabataan na ‘Beloved’ mula sa Strive to Be.”
Halle M., edad 16, Indiana, USA
“Pag-alala kay Jesus sa pamamagitan ng musika ng kabataan—ang ‘Divine.’”
Wellie S., edad 16, Luanda, Angola
Maglingkod
“Hindi gaanong nakatuon sa aking sarili at sa halip ay naglilingkod sa iba.”
Rebekah C., 16, Ohio, USA
“Paglilingkod at paghikayat sa mga tao sa paligid ko!”
Ellie B., edad 19, Utah, USA
Maging Mabait sa Sarili Mo
“Sinisikap kong magpokus sa mga kalakasan ko at sa mga napagtagumpayan ko sa buhay, lalo na kay Cristo.”
RJ E., edad 17, North Carolina, USA
“Niyayakap ko ang sarili ko.”
Carli B., edad 17, Idaho, USA
“Tingnan mo ang iyong sarili sa salamin at sabihing, ‘Kung kaya akong mahalin ni Jesus, kaya ko ring mahalin ang sarili ko!’”
Clarissa U., edad 17, Arizona, USA
Humingi ng Tumulong sa Iba
“Kapag iniisip ko ang mga taong nagmamahal sa akin.”
Clara L., edad 14, Québec, Canada
“Pagkakaroon ng mga kaibigan na tumutulong at naghihikayat sa akin.”
Haven G., edad 15, Utah, USA