2025
Paano Kung sa Pakiramdam Ko ay Napakarami Ko nang Nagawang Pagkakamali?
Para sa Lakas ng mga Kabataan Hunyo 2025


Paano Kung sa Pakiramdam Ko ay Napakarami Ko nang Nagawang Pagkakamali?

dalagita

May panahon sa buhay ko na nahihiya ako at nababagabag dahil sa kasalanan ko. Akala ko hindi na patatawarin ng Ama sa Langit at ni Jesucristo ang mga pagkakamali ko o ang maraming beses na binigo ko Sila. Pakiramdam ko ay hindi ako mapapatawad. Pero ang pagluhod at pagdarasal ay nakatulong sa akin na madama ang Banal na Espiritu.

Tinutulungan ako ng pag-asa kay Cristo dahil alam kong laging may makikinig sa akin at susuporta sa akin para makagawa ng pinakamagagandang desisyon.

Matutulungan ko ang iba na umasa kay Cristo sa pamamagitan ng pagbabahagi ng aking patotoo, tulad nito: Kahit nagkakasala at nagkakamali tayo, laging nariyan ang Tagapagligtas para tulungan tayong taos-pusong magsisi at hindi Niya tayo ikokondena.

America S., edad 16, Mexico City, Mexico

Mahilig makinig ng musika, manood ng mga palabas sa TV, at kuhanan ng larawan ang mga paglubog ng araw.