Para sa Lakas ng mga Kabataan
Kumonekta
Para sa Lakas ng mga Kabataan Hunyo 2025


Kumonekta

Samuel G.

16, Bogotá, Colombia

binatilyo

Larawang kuha ni Carolina Triana

Naglalaro ako ng basketbol. Isang araw, nag-message ako sa coach na hindi ako makakalaro sa anumang laro sa araw ng Linggo.

Sumagot siya, ‘Ano’ng ibig mong sabihin? Kung gusto mong maging propesyonal, kailangan mong unahin ang sport.” Sinabi ko sa kanya na kung gusto kong maging propesyonal, kailangan kong unahin ang Diyos, at tutulungan Niya ako.

Sabi ng coach ko, “Gagawin ko ang lahat ng magagawa ko para ganapin ang mga laro sa araw ng Sabado.” At ganyan nga ang nangyari.

Maaaring hindi palaging ganoon ang mangyari. Pero natutuwa ako na alam ng coach ko na para sa akin, hindi nauuna ang laro—kundi ang aking Ama sa Langit.

Kapag ginagawa ko ang mga bagay-bagay nang tama, nadarama ko na ipinagmamalaki ako ng Ama sa Langit at ni Jesucristo. Ito ay kapayapaan na hindi maaagaw sa akin ng sinuman, nalalaman Nila na nagsisikap ako at kinikilala Nila ang pagsisikap ko.