Mga Susi sa Kagalakan
Ang Para sa Lakas ng mga Kabataan: Isang Gabay sa Pagpili ay nag-aanyaya sa atin na magalak kay Jesucristo ([2022], 34). Sinabi ng Tagapagligtas, “Ang mga bagay na ito ay sinabi ko sa inyo upang … ang inyong kagalakan ay malubos” (Juan 15:11). Pero ano ang mga bagay na Kanyang sinabi? “Ako ang puno ng ubas, kayo ang mga sanga. Ang nananatili sa akin at ako’y sa kanya ay siyang nagbubunga ng marami” (Juan 15:5). Kailangan nating makipag-ugnayan kay Cristo upang magkaroon tayo ng kagalakan. Ginagawa natin iyan sa pamamagitan ng mga tipan. (Tingnan sa pahina 2 sa isyung ito.)
Hindi tayo makapagsasalita tungkol sa kagalakan nang hindi binabanggit ang tungkol sa ating katawan, dahil susi ito sa pagtanggap ng “ganap na kagalakan” (Doktrina at mga Tipan 138:17). Kaya pala nakasaad sa gabay na, “Ang inyong katawan ay sagrado” (22). Maaaring tangkain ni Satanas na sabihin sa inyo na ang inyong katawan ay pangit, pero iyon ay dahil hindi siya kailanman magkakaroon nito. Huwag ninyo siyang pakinggan. (Tingnan ang mga pahina 8, 14, 22, at 27 sa isyung ito.)
Kapag nakipag-ugnayan kayo kay Cristo at “[tinatrato] ang iyong katawan—at ang katawan ng iba—nang may paggalang (Para sa Lakas ng mga Kabataan gabay, 24), makadarama kayo ng kagalakan.
Nagmamahal,
Michael T. Nelson
Pangalawang Tagapayo sa Young Men General Presidency