Tuwirang Sagot
Ano ang alam natin tungkol kay Jose, na asawa ni Maria?
Narito ang sinasabi sa atin ng mga banal na kasulatan tungkol kay Jose, na asawa ni Maria.
-
Siya ay inapo ni David (tingnan sa Mateo 1:1–16, 20; Lucas 2:4; 3:23–38) at nanirahan sa Nazaret (tingnan sa Mateo 2:19–23).
-
Siya at si Maria ay ikakasal na nang malaman niya na si Maria ang magiging ina ni Jesus, ang Anak ng Diyos (tingnan sa Mateo 1:18).
-
Siya ay isang karpintero (tingnan sa Mateo 13:55).
-
Siya ay “isang taong matuwid” (tingnan sa Mateo 1:19).
-
Nang malaman niyang buntis si Maria, ginusto niyang iiwas ito sa kahihiyan at paninira ng publiko (tingnan sa Mateo 1:19–20).
-
Kinausap siya ng Diyos sa panaginip nang hindi kukulangin sa apat na beses: (1) sinabihan siya ng isang anghel na ipinaglilihi ni Maria ang Anak ng Diyos (tingnan sa Mateo 1:20–21), (2) binalaan siya ng isang anghel na itakas ang kanyang pamilya papuntang Ehipto (tingnan sa Mateo 2:13), (3) sinabihan siya ng isang anghel na bumalik sa Israel (tingnan sa Mateo 2:19–20), at (4) binalaan siya na huwag pumunta sa Judea kapag bumalik siya (tingnan sa Mateo 2:22).
-
Pumunta siya sa Betlehem para magbayad ng buwis, isinama niya si Maria, at naroon siya nang isilang ang Tagapagligtas (tingnan sa Lucas 2:1–7, 16).
-
Hindi siya ang literal na ama ni Jesucristo, pero iginalang siya ng batang si Jesus na parang ama (tingnan sa Lucas 2:48, 51).
-
Tila nagkaroon sila ni Maria ng hindi kukulangin sa apat na anak na lalaki sa kanilang pagsasama, gayundin ng mga anak na babae (tingnan sa Mateo 13:55–56).
-
Malamang na namatay siya pagkaraang si Jesus ay mag-12 taong gulang at bago ang Pagpapako sa Krus (tingnan sa Lucas 2:42–52; Juan 19:25–27).