Kumonekta
Luke P.
17, County Down, Northern Ireland
Larawang kuha ni Nathan Reid
Ang pagpasok sa paaralan ay isa sa malalaking pagsubok ko noon pa man. Pero gumawa ako ng isang mithiin noong nakaraang taon na sisikapin ko na maging masaya sa paaralan hangga’t maaari. Noong una, hirap na hirap ako. Pero nang basahin ko ang Aklat ni Mormon, nang patuloy akong dumalo sa seminary, naging mas masaya ako at mas mabuting tao.
Kadalasa’y hindi madaling magtamo ng isang mabuting bagay. Kadalasa’y kailangan mong maghirap nang kaunti, tulad ni Jesucristo. Kaya pakiramdam ko habang lalo kang nahihirapan, lalo kang magiging katulad ni Cristo. Naniniwala ako na nais ng Tagapagligtas na sikapin mong makagawa nang higit pa at mas mainam kapag dumaranas ka ng mga hamon.
Mahal ko si Jesucristo dahil sa mga bagay na nagawa Niya para sa akin. Sa Kanyang buhay sa lupa, maaari sana Siyang maging hari. Maaari sana Niyang pigilan ang sinumang walang galang sa Kanya. Pero hindi Niya ginawa, dahil sa atin—dahil mahal Niya tayo. Dahil diyan ay mas gusto kong makagawa ng higit pa, dahil sa Kanya.