2023
Mga Tala sa Kumperensya
Mayo 2023


“Mga Tala sa Kumperensya,” Kaibigan, Mayo 2023, 5.

Mga Tala sa Kumperensya

Larawan
alt text here

Mga larawang-guhit ni Josh Talbot

Naniniwala Tayo kay Cristo

Larawan
alt text

Sinabi ni Pangulong Oaks na naniniwala tayo kay Jesucristo. Marami siyang binasang talata sa mga banal na kasulatan tungkol sa sinabi ni Jesus noong nabubuhay pa Siya at nang dalawin Niya ang mga Nephita. Dapat nating pag-aralan ang mga salita ni Jesus para magabayan tayo sa ating buhay.

Itinuturo nito sa akin:

Kasamang Muli si Jesus

Larawan
alt text

Nagkuwento si Elder Stevenson tungkol sa dalawang batang babae na namatayan ng tiyahin. Kinumusta sila ng asawa ni Elder Stevenson na si Lesa. Malungkot sila, pero ibinahagi nila ang kanilang patotoo sa kanya. Alam nila na masaya ang tita nila at maaaring kasama na ni Jesus. Ang pananampalataya kay Jesucristo at ang buhay na walang hanggan ay nakakaaliw sa atin.

Itinuturo nito sa akin:

Patotoo sa Isang Bus

Larawan
alt text

Nagsalita si Elder Corbitt tungkol sa isang babaeng nakausap niya sa bus. Itinanong nito kung bakit siya naniwala kay Jesucristo. Hindi niya sigurado kung ano ang sasabihin. Pagkatapos ay nagpasiya siyang magtuon sa pinakamahalaga. Sinabi niya sa babae na kailangan natin si Jesus para tulungan tayong makabalik sa Ama sa Langit. Maaari din nating ibahagi ang ating patotoo.

Itinuturo nito sa akin:

Pagdadala ng mga Bato

Larawan
alt text

Ibinahagi ni Sister Johnson kung paano naging parang pagdadala ng isang backpack na puno ng mga bato ang mahihirap na bagay sa buhay. Nagdadala tayo ng mga bato dahil sa ating mga kasalanan, kalupitan ng iba, at mga hamon sa buhay. Tinutulungan tayo ni Jesucristo na alisan ng laman ang ating mga backpack kung babaling tayo sa Kanya. Matutulungan din nating pagaanin ang mga backpack ng iba sa pamamagitan ng pagmamalasakit sa kanila tulad ng gagawin ni Jesus.

Itinuturo nito sa akin: