2023
Maging Tagapamayapa
Mayo 2023


Isang Mensahe sa Kumperensya mula sa Propeta

Maging Tagapamayapa

Hango sa “Kailangan ng mga Tagapamayapa,” Liahona, Mayo 2023.

Bilang mga disipulo ni Jesucristo, dapat tayong maging halimbawa kung paano pakitunguhan ang iba. Isa sa mga pinakamadadaling paraan para makilala ang isang tunay na [alagad] ni Jesucristo ay kung paano niya tinatrato nang may pagkahabag ang ibang tao.

Nilinaw ito ng Tagapagligtas. “Mapapalad ang mga mapagpayapa,” sabi Niya (Mateo 5:9; tingnan din sa 3 Nephi 12:9). Ang Kanyang tunay na mga disipulo ay nagpapatatag, nagpapasigla, naghihikayat, at nagbibigay-inspirasyon—gaano man kahirap ang sitwasyon. Ang tunay na mga disipulo ni Jesucristo ay mga tagapamayapa.

Napakahalaga kung paano natin pinapakitunguhan ang isa’t isa! [Talagang mahalaga] kung paano natin kinakausap at pinag-uusapan ang ibang tao sa tahanan, sa simbahan, at online. Mababago [natin] ang mundo—isang tao at isang pakikipag-ugnayan sa bawat pagkakataon.

Ang pagkakaiba ng opinyon ay bahagi ng buhay. Ipakita natin na may magalang na paraan para malutas ang mga hindi pagkakasundo. Ipagdasal na magkaroon ng tapang at karunungan na sabihin at gawin ang gagawin ng Tagapagligtas.

Hinihimok ko kayo na piliing maging tagapamayapa, ngayon at sa tuwina.

Larawan
Alt text

“At Binuka Niya ang Kaniyang Bibig at Tinuruan Sila” ni Michael Malm

Maaari Nating Baguhin ang Mundo

Sinabi ni Pangulong Nelson na ang ating ginagawa at sinasabi ay talagang mahalaga! Sa mga puwang sa ibaba, isulat kung ano ang masasabi mo para maghatid ng kapayapaan.

Ano ang maaari mong sabihin sa isang taong nalulungkot?

Ano ang maaari mong sabihin sa isang taong kumukuha ng iyong mga pag-aari?

Ano ang maaari mong sabihin sa isang taong salbahe o masungit sa iyo?

Larawan
alt text here