2023
Masayang Pagtutupi
Mayo 2023


“Masayang Pagtutupi,” Kaibigan, Mayo 2023, 32–33.

Masasayang Bagay

Masayang Pagtutupi

Larawan
PDF ng kuwento

Mga paglalarawan ni Nicole Walkenhorst

Origami Bookmark

  1. Itupi ang isang piraso ng papel nang pa-diagonal para makagawa ng tatsulok.

  2. Itupi sa gitna ang magkabilang panig ng tatsulok upang makagawa ng square. Pagkatapos ay tanggalin sa pagkakatupi.

  3. Kunin ang pinakamataas na bahagi ng papel sa dulo ng tatsulok at itupi ito sa ibaba.

  4. Ipasok paloob ang kanan at kaliwang dulo ng tatsulok sa bulsa.

  5. Ngayon ay maaari ka nang magbasa gamit ang iyong bagong bookmark!

Origami Fox

  1. Itupi ang isang piraso ng papel nang pa-diagonal para makagawa ng tatsulok.

  2. Itupi sa gitna ang magkabilang panig ng tatsulok para makagawa ng square.

  3. Baliktarin ang square. Itupi sa gitna para makagawa ng tatsulok.

  4. Hanapin ang gilid ng tatsulok na may tatlong flap. Itupi ang gilid na ito nang patagilid, at pagkatapos ay buksan ang mga flap.

  5. Buksan ang flap sa gitna at itupi ang tip para magawa ang mukha.

  6. Kunin ang isa pang dulo ng malaking tatsulok at itupi ito para makagawa ng buntot.

Origami Fish

  1. Itupi ang isang piraso ng papel sa kalahati nang pa-diagonal para makagawa ng tatsulok, pagkatapos ay tanggalin ang pagkakatupi. Ulitin ito sa kabilang panig.

  2. Itupi sa kalahati ang papel para makagawa ng rectangle, pagkatapos ay tanggalin sa pagkakatupi.

  3. Baliktarin ang iyong papel. Pisilin ang mga tupi sa bawat diagonal na sulok sa gilid nito. Hawakan ang dalawang kanang sulok hanggang sa magpantay ang mga gilid. Gayon din ang gawin sa kaliwa. Dapat ay may tatsulok ka na.

  4. Itupi ang isang flap papunta sa gitna. Itupi ang isa pang flap sa ibabaw ng unang flap. Ito ang magiging palikpik.

  5. Ngayon baliktarin ang iyong isda at gumuhit ng isang mata.