2023
Si Jesus ay Nagturo sa Templo
Mayo 2023


“Nagturo si Jesus sa Templo,” Kaibigan, Mayo 2023, 24–25.

Mga Kuwento tungkol kay Jesus

Si Jesus ay Nagturo sa Templo

Tanggalin ang pahinang ito at itupi ito sa gitna. Pagkatapos ay itaas ang larawan habang nagkukuwento ka.

PDF ng kuwento

Noong 12 taong gulang si Jesucristo, sumama Siya kina Maria at Jose sa Jerusalem.

Sa kanilang pag-uwi, natanto nina Maria at Jose na hindi nila kasama si Jesus. Nagmadali silang bumalik sa Jerusalem para hanapin Siya.

Naghanap nang naghanap sina Maria at Jose. Sa huli, natagpuan nila si Jesus sa templo. Tinuturuan Niya ang mga tao at sinasagot ang kanilang mga tanong. Lahat ay namangha sa kung gaano ang nalalaman Niya tungkol sa ebanghelyo. Ginagawa ni Jesus ang gawain ng Ama sa Langit kahit bata pa Siya.

Makakatulong din tayo sa gawain ng Ama sa Langit. Maibabahagi natin ang ebanghelyo. Maaari nating malaman ang tungkol sa templo. Ang mga bagay na ito ay tutulong sa atin na matuto at umunlad na tulad ni Jesus.