2023
Mga Aktibidad sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin para sa Maliliit na Bata
Mayo 2023


“Mga Aktibidad sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin para sa Maliliit na Bata,” Kaibigan, Mayo 2023, 49.

Bagong Tipan

Mga Aktibidad sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin para sa Maliliit na Bata

Larawan
Batang babae at batang lalaki na magkatabing nakaupo sa harap ng templo

Para sa Lucas 12–17; Juan 11

Laruin ang paghula ng pasasalamat kasama ng maliliit na bata! Pumili ng isang bagay na pinasasalamatan mo, pero huwag mong sabihin kung ano ito. Banggitin ang mga dahilan kung bakit nagpapasalamat ka para sa tao o bagay na iyon hanggang sa mahulaan ito nang tama ng iyong anak. Pagkatapos ay sila naman!

Para sa Mateo 19–20; Marcos 10; Lucas 18

Ipakita sa iyong maliliit na anak ang isang larawan ng templo. Ipaliwanag na nais ng Ama sa Langit na mabuklod tayo sa mga templo upang ang ating pamilya ay magkasama-sama magpakailanman. Awitin ang “Mag-anak ay Magsasamang Walang-Hanggan” (Aklat ng mga Awit Pambata, 98).

Para sa Mateo 21–23; Marcos 11; Lucas 19–20; Juan 12

Pumunta sa pinakamalapit na templo kasama ang iyong maliliit na anak o ipakita sa kanila ang mga larawan nito online. Magbahagi ng isang simpleng patotoo tungkol sa nadarama mo tungkol sa templo. Kung makakalakad kayo sa bakuran, tulungan ang mga bata na matukoy ang maganda at payapang damdaming naroon.

Para sa Joseph Smith—Mateo 1; Mateo 24–25; Marcos 12–13; Lucas 21

Tulungan ang iyong maliliit na anak na sabihing, “Gusto ni Jesus na maglingkod ako sa iba.” Magkakasamang mag-isip ng isang taong matutulungan ninyo. Matapos tulungan ang taong iyon, itanong kung ano ang nadama nila nang tumulong sila.