2023
Hello mula sa Cape Verde!
Mayo 2023


“Hello mula sa Cape Verde!” Kaibigan, Mayo 2023, 22–23.

Hello mula sa Cape Verde!

Alamin ang tungkol sa mga anak ng Ama sa Langit sa buong mundo.

Larawan
Ang watawat ng Cape Verde

Mga larawang-guhit ni Carolina Farías

Ang Cape Verde ay bansa na isang isla na malapit sa baybayin ng Kanlurang Africa. Mga 480 libong katao ang naninirahan doon.

Wika

Larawan
Dalawang batang babae na nag-uusap

Portuges ang opisyal na wika. Nagsasalita rin ang mga tao ng Cape Verdean Creole, o Kriolu, na batay sa Portuges.

Mga Bulkan

Larawan
Isang bulkan

Ang Cape Verde ay may 10 isla, na binubuo ng mga bulkan. Ang pinakamalaking aktibong bulkan ay tinatawag na Pico do Fogo. Ito ay 9,281 talampakan (2,829 m) ang taas.

Relihiyon

Larawan
Isang gusali ng simbahan

Halos 80 porsiyento ng mga tao ay mga Katoliko. Mayroon ding mga 16 na libong miyembro ng ating Simbahan.

Musika

Larawan
Isang pamilya na kumakanta

Ang mga taga Cape Verde ay mahilig sa musika! Sila ay karaniwang kumakanta sa Creole, at ang kanilang mga estilo ng musika ay pinaghalong estilo mula sa Portugal, Brazil, at West Africa.

Praia Temple

Larawan
Ang Praia Cape Verde Temple

Ang unang templo sa Cape Verde ay inilaan noong nakaraang taon!