“Pagdaragdag ng mga Tala sa mga Banal na Kasulatan,” Mga Kasanayan sa Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan (2024)
Pagdaragdag ng mga Tala sa mga Banal na Kasulatan
Ipaliwanag
Ipaliwanag na kapag binabasa natin ang mga banal na kasulatan, madalas ay may mga naiisip at tanong tayo tungkol sa binabasa natin, o may isang bagay tayong natutuklasan na hindi pa natin nakita noon. Kapag nangyari ito, maaari tayong magdagdag ng tala para maalala ang natutuhan o nadama natin. Maaari tayong magdagdag ng mga tala sa pamamagitan ng pagsulat sa margin ng aklat ng mga banal na kasulatan o paggamit ng Notes feature sa Gospel Library. Kabilang sa ilang halimbawa ng mga tala sa mga banal na kasulatan ang:
-
Personal na mga ideya at impresyon.
-
Mga kahulugan at paliwanag.
-
Mga turo ng mga propeta.
-
Mga cross-reference.
-
Mga Listahan.
-
Mga pananaw o ideya na natamo mula sa iba.
Ang pagdaragdag ng mga tala ay makatutulong sa atin na magtuon sa ating pag-aaral. Mapapanatili nito ang natutuhan natin at matutulungan tayo na maalala ang mga ito. Maaari din itong humantong sa karagdagang paghahayag.
Paalala: Maaari mong ituro ang kasanayang ito kaugnay ng training sa “Pagsulat ng Makabuluhang mga Tala.”
Ipakita
Para maipakita ang kasanayang ito, maaari mong hilingin sa ilang estudyante na magbahagi ng mga halimbawa ng mga tala na ginawa nila sa kanilang mga banal na kasulatan. Anyayahan ang mga estudyanteng ito na maikling ibahagi kung paano napag-ibayo ng pagdaragdag ng mga tala ang kanilang pag-aaral ng ebanghelyo.
Maaari mong ipakita ang ilang paraan para magdagdag ng mga tala sa aklat ng mga banal na kasulatan tulad ng pagsulat ng mga ito sa margin o sa isang sticky note o papel at ilagay ito sa tabi ng kaugnay na scripture passage.
Maikling ipakita kung paano magdagdag ng isang tala sa mga digital scripture sa pamamagitan ng pag-anyaya sa mga estudyanteng nakakaalam kung paano magdagdag ng tala sa mga banal na kasulatan sa Gospel Library para maipakita ito sa kanilang mga kaklase sa maliliit na grupo.
Paalala: Makakakita ka ng karagdagang resources, mga tip, at video sa bahaging “Tulong” ng Gospel Library app, kabilang ang “Gospel Library User Guide (iOS)” at ang “Gospel Library User Guide (Android).”
Magpraktis
Pumili ng isang passage mula sa mga banal na kasulatan na pag-aaralan para sa linggong ito o gamitin ang isa sa mga sumusunod na halimbawa upang anyayahan ang mga estudyante na praktisin ang kasanayang ito. Maaari mong ilista ang mga halimbawa ng mga tala sa banal na kasulatan mula sa bahaging “Ipaliwanag” sa itaas para mabigyan ang mga estudyante ng mga ideya. Pagkatapos nilang magpraktis, anyayahan ang ilang estudyante na ibahagi ang mga talang idinagdag nila sa kanilang mga banal na kasulatan.
Mga karagdagang passage para sa pagpapraktis:
-
Genesis 6:15. Maaari mong itala ang paggamit ng isang sinaunang pagsukat na tinatawag na siko o cubit. Maaaring pumunta ang mga estudyante sa entry na “Cubit” sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan at kopyahin ang entry sa tabi ng Genesis 6:15.
-
Mateo 11:28–30. Maaaring magdagdag ang mga estudyante ng tala na nagpapaliwanag kung ano ang ibig sabihin sa kanila ng “lumapit [kay Cristo]” or “pasanin ninyo ang [Kanyang] pamatok.”
-
Alma 32:21. Maaaring maghanap ang mga estudyante sa Gospel Library para sa mga turo mula sa mga lider ng Simbahan tungkol sa pananampalataya at isama ang isang paboritong turo sa isang tala sa tabi ng passage na ito (tingnan sa mga training sa mga kasanayang “Paghahanap sa mga Banal na Kasulatan at sa Gospel Library” at “Paggamit ng mga Turo ng mga Lider ng Simbahan upang Maunawaan ang mga Banal na Kasulatan” para sa tulong kung kinakailangan).
-
Doktrina at mga Tipan 59:18–19. Maaaring gumawa ng tala ang mga estudyante na nagpapahayag ng kagalakang dulot sa kanila ng mga nilikha ng Diyos.
Mag-anyaya at Mag-Follow Up
Hikayatin ang mga estudyante na magdagdag ng mga tala sa kanilang banal na kasulatan sa kanilang personal na pag-aaral at sa oras ng mga talakayan sa klase. Tandaan na mag-follow up at bigyan ng oras ang mga estudyante na ibahagi ang kanilang mga karanasan. Mag-isip ng mga paraan na patuloy mong marebyu at magamit ang kasanayang ito sa klase.