Pagtuturo at Pagkatuto
Pagmamarka ng mga Banal na Kasulatan


“Pagmamarka ng mga Banal na Kasulatan,” Mga Kasanayan sa Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan (2024)

Pagmamarka ng mga Banal na Kasulatan

Ipaliwanag

Ipaliwanag na ang pagmamarka ng mga banal na kasulatan sa makabuluhang mga paraan ay makapagpapaibayo sa pag-aaral at pag-unawa ng ebanghelyo. Ang pagmamarka ay tumutulong na mabigyang-diin ang nahanap nating pinakamahalaga at makatutulong sa atin kapag nagtuturo tayo sa iba. Ang mga taong pinipiling markahan ang kanilang mga banal na kasulatan ay magagawa ito sa iba’t ibang paraan, tulad ng pag-highlight, pagsalungguhit, pagbibilog, o pagdaragdag ng mga simbolo para mabigyang-diin ang mga salita, parirala, o passage.

Ipakita

Ipakita sandali ang pagmamarka ng mga banal na kasulatan icon ng markahansa pamamagitan ng paggawa ng isa o mahigit pa sa mga sumusunod:

  • Magpakita sa mga estudyante ng ilang iba’t ibang paraan na maaari nilang markahan ang isang scripture passage—tulad ng pagsalungguhit, pag-highlight, o paggamit ng iba pang mga marka o simbolo.

  • Sabihin sa ilang estudyante na maikling ibahagi kung paano nila gustong markahan ang kanilang mga banal na kasulatan.

  • Anyayahan ang mga estudyanteng nakakaalam kung paano markahan ang digital na mga banal na kasulatan sa Gospel Library na ipakita kung paano ito gawin sa kanilang mga kaklase sa maliliit na grupo.

Paalala: Makakakita ka ng karagdagang resources, mga tip, at video sa bahaging “Tulong” ng Gospel Library app, kabilang ang “Gospel Library User Guide (iOS)” at ang “Gospel Library User Guide (Android).”

Magpraktis

Pumili ng isang passage mula sa mga banal na kasulatan na pag-aaralan para sa linggong ito o gamitin ang isa sa mga halimbawang ibinigay sa ibaba, at sabihin sa mga estudyante na magpraktis ng pagmamarka ng mga banal na kasulatan. Maaaring markahan ng mga estudyante ang mga salita, parirala, o katotohanan na pinakamahalaga para sa kanila. Pagkatapos ay maaari silang magbahagi nang magkakapartner o sa maliliit na grupo ng minarkahan nila at kung bakit nila minarkahan ito.

Mga karagdagang passage para sa pagpapraktis:

  • Mga Awit 23. Maaaring markahan ng mga estudyante ang mga paboritong parirala at passage na nagtuturo sa kanila ng tungkol sa Panginoon.

  • Mateo 5:38–48. Maaaring markahan ng mga estudyante ang mga turo ng Tagapagligtas na pinakamahalaga para sa kanila.

  • Mosias 18:8–10. Maaaring markahan ng mga estudyante ang mga parirala na nagpapakita ng mga pangakong ginawa natin sa binyag.

  • Doktrina at mga Tipan 38:1–9. Maaaring markahan ng mga estudyante ang mga salita o parirala na nagtuturo sa kanila ng tungkol kay Jesucristo.

Mag-anyaya at Mag-Follow Up

Hikayatin ang mga estudyante na markahan ang kanilang mga banal na kasulatan sa kanilang personal na pag-aaral ng mga banal na kasulatan at sa oras ng klase. Mag-follow up sa susunod na klase sa pamamagitan ng pag-anyaya sa mga estudyante na magbahagi ng isang bagay na makabuluhan na minarkahan nila sa kanilang personal na pag-aaral at kung bakit nila minarkahan ito. Maaari mong itanong kung paano nakatutulong sa kanila ang pagmamarka ng mga banal na kasulatan sa pag-aaral nila ng mga banal na kasulatan. Maghanap ng mga paraan para patuloy na marebyu at magamit ang kasanayang ito sa klase.