Pagtuturo at Pagkatuto
Pag-ugnay-ugnayin ang mga Banal na Kasulatan


“Pag-ugnay-ugnayin ang mga Banal na Kasulatan,” Mga Kasanayan sa Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan (2024)

Pag-ugnay-ugnayin ang mga Banal na Kasulatan

Ipaliwanag

Ipaliwanag na ang pag-ugnay-ugnayin ay pagkonekta sa isang scripture passage sa kaugnay na banal na kasulatan, sipi mula sa isang lider ng Simbahan, o iba pang nilalaman ng Simbahan. Ang pag-ugnay-ugnayin o pag-cross-reference ng mga banal na kasulatan ay magpapalalim ng ating pang-unawa sa salita ng Diyos at makatutulong sa atin habang itinuturo at ibinabahagi natin ang ebanghelyo sa iba.

Ipaliwanag na ang mga footnote sa ilang bersiyon ng mga banal na kasulatan ay naglalaman ng makatutulong na mga link o cross-reference sa iba pang mga scripture passage at resources sa pag-aaral.

Ipakita

Maikling ipakita ang kasanayang ito gamit ang sumusunod na halimbawa, o gamitin ang sarili mong halimbawa:

Basahin ang Isaias 53:3–5. Ipaliwanag na itinuturo sa talata 4 na “pinasan [ng Tagapagligtas] ang ating mga karamdaman, at dinala ang ating mga kalungkutan.” Ipaliwanag na itinuro ni Alma ang gayon ding katotohanan nang may dagdag na paglilinaw tungkol sa Pagbabayad-sala ng Tagapagligtas. Basahin ang Alma 7:11–12. Ipakita sa mga estudyante kung paano nila maisusulat ang Alma 7:11–12 sa tabi ng Isaias 53:4 sa margin ng kanilang mga banal na kasulatan. O ipakita sa kanila kung paano ikonekta ang mga scripture passage na ito gamit ang Link feature icon ng link sa Gospel Library.

Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na nakakaalam kung paano gumawa ng mga link sa Gospel Library para maipakita ito sa kanilang mga kaklase.

Paalala: Makakakita ka ng karagdagang resources, mga tip, at video sa bahaging “Tulong” ng Gospel Library app, kabilang ang “Gospel Library User Guide (iOS)” at ang “Gospel Library User Guide (Android).”

Magpraktis

Pumili ng isang passage mula sa mga banal na kasulatan na pag-aaralan para sa linggong ito. Bigyan ang mga estudyante ng kaugnay na scripture passage, turo mula sa isang lider ng Simbahan, o iba pang nilalaman mula sa Gospel Library na pag-uugnay-ugnayin o ili-link. O maaari mong gamitin ang isa sa mga sumusunod na halimbawa para maanyayahan ang mga estudyante na praktisin ang kasanayang ito:

  • Basahin ang Job 19:25 bilang klase. Sabihin sa mga estudyante na hanapin ang “Manunubos” sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan at maghanap ng isang scripture passage na nagtuturo tungkol sa ginagampanan ni Jesucristo bilang ating Manunubos. Maaaring magdagdag ang mga estudyante ng isang passage na nahanap nila sa margin ng kanilang aklat ng mga banal na kasulatan sa tabi ng Job 19:25 o gumawa ng link sa kanilang mga digital scripture para maikonekta ang dalawang passage.

  • Ipabasa sa mga estudyante ang Mateo 5:48 o 3 Nephi 12:48 at ipa-highlight ang salitang “sakdal.” Pagkatapos ay papuntahin sila sa mensahe ni Pangulong Russell M. Nelson na “Perfection Pending” (Ensign, Nob. 1995) at ipabasa ang bahaging “Eternal Perfection.” Sabihin sa mga estudyante na piliin ang talata o mga talata na sa pakiramdam nila ay lubos na nakakatulong at gumawa ng isang link.

  • Sabihin sa mga estudyante na rebyuhin ang Lucas 24:1–12 at pagkatapos ay i-highlight ang pariralang “Wala siya rito, kundi muling nabuhay” sa talata 6. Pagkatapos ay sabihin sa kanila na magpunta sa Easter Videos sa Gospel Library at iugnay o i-link ang isa sa mga video tungkol sa Pagkabuhay na Mag-uli sa Lucas 24:6.

Mag-anyaya at Mag-Follow Up

Hikayatin ang mga estudyante na gumawa ng mga link sa pag-aaral nila ng mga banal na kasulatan. Mag-follow up sa susunod na klase sa pamamagitan ng pag-anyaya sa mga estudyante na ibahagi kung paano nila ginamit ang kasanayang ito sa kanilang personal na pag-aaral. Maaari silang magbahagi ng tungkol sa isang link na idinagdag nila sa kanilang mga banal na kasulatan at ipaliwanag kung bakit idinagdag nila ito. Maghanap ng mga paraan para patuloy na marebyu at magamit ang kasanayang ito sa klase.