2016
Magpatuloy sa Paglakad sa mga Talampas
September 2016


Mga Tinig ng mga Banal sa mga Huling Araw

Magpatuloy sa Paglakad sa mga Talampas

Larawan
climbing

Paglalarawan ni Allen Garns

Ang mga aktibidad sa labas gaya ng hiking, skiing, at pagbibisikleta ay malaking bahagi ng buhay ko. Kamakailan, nadama ko kung paano katulad ng ating panahon sa mundo ang panahon na inilalaan ko sa mga aktibidad na nagpapalakas ng katawan. Kadalasan akong nakatuon sa pagpapalakas ng aking katawan at sa mga kasanayan sa isang aktibidad sa loob ng ilang panahon. At pagkatapos, dahil sa aking sariling pagpili, pagkakataon, o paanyaya, mag-iiba ako ng aktibidad. Kahit alam ko na malakas at matibay na ang aking katawan para sa isang uri ng aktibidad, kapag nagsimula ko nang gawin ang bagong aktibidad, napapansin kong mabilis akong mapagod, hindi ko naaabot ang mga mithiin ko at nararamdaman kong nananakit ang mga kalamnan ko na “hindi ko napapansin noon.” Pagkatapos ay nasasanay na rin ako sa bagong aktibidad sa pagpapalakas at nagkakaroon ng mga kinakailangang tibay at kasanayan.

Gayundin, sa buhay natin kung minsan ay nagtutuon tayo sa ilang gawi. Nagiging komportable tayo sa mga ito. At pagkatapos, dahil sa ating pagpili, pagkakataon, o paanyaya, ang panahong ito ng pagiging komportable ay nagiging panahon ng pagsubok at pagkakataong umunlad.

Ang pagharap sa mga hamon ng buhay ay maaaring nakakatakot. Hinikayat tayo ni Nephi, na nagsasabing, “Magpatuloy sa paglakad nang may katatagan kay Cristo, na may ganap na kaliwanagan ng pag-asa, at pag-ibig sa Diyos at sa lahat ng tao. Samakatwid, kung kayo ay magpapatuloy, nagpapakabusog sa salita ni Cristo, at magtitiis hanggang wakas, masdan, ganito ang wika ng Ama: Kayo ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan” (2 Nephi 31:20).

Paminsan-minsan, naiisip ko kung ano kaya kung nanatili na lang tayo sa buhay bago tayo isinilang, at nakikinig sa Ama sa Langit na sinasabi sa atin ang tungkol sa Kanyang dakilang plano ng kaligayahan. Gayunman, ang ating pag-unlad ay nangangailangan ng “silid-aralan”—ang mundo—kung saan maaari nating maranasan ang mortalidad para sa ating sarili.

Sa paglipas ng mga taon kapag nagpapatotoo ako tungkol sa katotohanan at kahalagahan ng plano ng Ama sa Langit, may mga bagong oportunidad at minsan masakit na karanasan na matinding nagtuturo sa buhay ko. Tila paunti-unti nating natututuhan ang mga katotohanan ng ebanghelyo, kaya kailangan pag-aralan nating muli ang mga paksa ring ito. Kung minsan ay naitatanong ko sa aking sarili, “Ano pa ang dapat nating matutuhan?” O, tulad ng aktibidad na nagpapalakas ng katawan, “Ilang grupo pa ba ng mga kalamnan ang kailangan ko pang palakasin?”

Gayunpaman, kapag nagbago ang mga panahon sa buhay at nag-iba-iba ang mga hamon, alam ko na ang Panginoon ay magbibigay sa akin ng mga karanasang kailangan ko. At habang ako ay patuloy sa paglakad, matututuhan kong maging katulad Niya at makababalik sa Kanyang piling.