2016
Dinalaw ni Jesus ang mga Nephita
September 2016


Mga Kuwento sa Aklat ni Mormon

Dinalaw ni Jesus ang mga Nephita

Larawan
Jesus visits the Nephites
Larawan
Jesus visits the Nephites 2
Larawan
Jesus visits the Nephites 3

Noong nabubuhay si Jesus sa lupa, pinagaling Niya ang mga may sakit o nasaktan. Tinuruan Niya ang mga tao kung paano manalangin. Binasbasan Niya ang mga bata.

Tumawag Siya ng 12 Apostol at ibinigay Niya sa kanila ang sakramento upang matulungan silang alalahanin Siya.

At pagkatapos, Siya ay namatay at nabuhay na muli.

Pagkatapos Niyang mabuhay na muli, bumisita si Jesus sa mga Nephita, na nakatira sa kabilang ibayo ng karagatan.

Tumawag Siya ng 12 disipulo at ibinigay sa kanila ang priesthood. Pinagaling Niya ang mga taong may sakit o nasaktan. Tinuruan Niya ang mga tao kung paano manalangin. Lahat ng tao ay yumukod at sumamba sa Kanya.

Sinabi ni Jesus sa mga Nephita na dalhin nila sa Kanya ang kanilang mga anak. Nagdasal Siya, at pagkatapos ay binasbasan Niya ang bawat bata. Bumisita sa kanila ang mga Anghel.

Ibinigay ni Jesus sa mga Nephita ang sakramento upang palagi nila Siyang maalaala.