2016
Mahal ni Jesus ang Lahat ng Tao
September 2016


Mahal ni Jesus ang Lahat ng Tao

Larawan
Jesus loves everyone

Pagkatapos mabuhay na muli ni Jesucristo, bumisita Siya sa mga Nephita. Tinuruan Niya sila tungkol sa sakramento, at ipinakita Niya sa kanila kung paano manalangin. Tinuruan Niya sila na maging mabait at maging mga tagapamayapa. Kahit na maraming tao, binasbasan Niya ang bawat bata at pinagaling ang lahat ng taong may sakit. Ipinagdasal Niya sa Ama sa Langit ang mga Nephita dahil mahal Niya sila.

Binisita namin ng aking pamilya ang ilang mahihirap na bata at binigyan namin sila ng mga laruan at pagkain. Masayang masaya ako dahil alam kong nakatulong ako sa iba.

Lía C., edad 7, Chihuahua, Mexico

“Maging mga Kamay Ko,” ni Kate P., edad 11, Utah, USA